• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanganak na ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia nitong Huwebes, September 10.

Coleen Garcia, nanganak na

Nanganak na ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia nitong Huwebes, September 10.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/11/2020 12:22 PM
Coleen Garcia, nanganak na
Photo credit: @coleen IG

Nanganak na ang Kapamilya actress na si Coleen Garcia nitong Huwebes, September 10. 

Ibinahagi ni Coleen ang ilang mga larawan matapos niyang manganak sa isang post sa Instagram. 

 


 

Base sa mga larawan, water birth ang napiling paraan ng mag-asawa Coleen at Billy Crawford sa pagsilang ng kanilang panganay na pinangalanang Amari. 

"There’s so much I wanna say, but for now, I just want to praise God for being so so good. Thank you, Lord, for our beautiful Amari ❤️," ani Coleen sa caption. 

Nagpakasal sina Billy at Coleen noong Abril ng taong 2018. 

Sa isang Instagram post noong nakaraang Mayo 1 ay ibinahagi ni Coleen na siya ay limang buwang buntis na. 

Coleen Garcia is pregnant with first child

Billy Crawford, Coleen Garcia to have a baby boy

Hunyo 10 naman nang inanunsiyo nila ni Billy sa isang online gender reveal party na baby boy ang kanilang first-born.