Angeline Quinto, humingi ng panalangin para kay Mama Bob

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/11/2020 05:57 PM
Angeline Quinto, humingi ng panalangin para kay Mama Bob
Photo credit: @loveangelinequinto IG

Labis na pag-aalala ngayon ng singer na si Angeline Quinto para sa kanyang ina na si Mama Bob.

Sa Facebook post ng singer, ipinanghingi niya ng dasal at panalangin ang kanyang ina sa hindi pa malaman na dahilan.

“Gusto kong kumatok sa mga puso niyo, Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko” sabi pa ni Angeline sa post.


“Kailangan na kailangan po namin ng tulong niyo sa pagdadasal. Nakikiusap po ako. isama niyo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin niyo” pahayag ng singer sa post. 

 

Gusto kong kumatok sa mga puso niyo, Tulungan niyo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko. Kailangan na kailangan po namin...

Posted by Angeline Quinto on Thursday, September 10, 2020

 

Si Mama Bob ang tumayong magulang kay Angeline. Sa isang interview sa Magandang Buhay, pinasalamatan ni Angeline ang kanyang Mama Bob na tumayong tunay na ina para sa kanya.

“Kung wala po si Mama Bob, siguro wala rin pong Angeline ngayon. Kaya sabi ko sa sarili ko, ipaparamdam ko kay Mama Bob ang dating pangarap niya lang. Sisiguraduhin ko na mararanasan niya ang magandang buhay,” pahayag pa ni Angeline.

 

 

Matatandaan na July of 2019, sumailalim sa isang heart surgery si Mama Bob para palitan ang pacemaker.

Angeline Quinto’s Mama Bob undergoes heart surgery