• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-propose na kay KaladKaren ang kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson.

KaladKaren engaged na sa kanyang British boyfriend

Nag-propose na kay KaladKaren ang kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/10/2020 11:33 AM
KaladKaren engaged na sa kanyang British boyfriend
Photo Credit: @jervijervi Instagram

“Na-add to cart ko na ... in my life!”

Ito ang sambit ni KaladKaren sa kanyang tweet kung saan inanunsyo niya na siya ay officially engaged na.

 


 

Engaged na ang TV host na si Jervi Li o mas kilala bilang KaladKaren sa kanyang British boyfriend na si Luke Wrightson matapos ang walong taong pagiging magkasintahan.

 

 

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni KaladKaren sa kanyang mga tagasubaybay kung paano nag-propose sa kanya ang kan

“Dati noong bata ako, akala ko wala nang taong magmamahal sa akin dahil bakla ako, transgender ako. Naiiba daw ako. Pero nung nakilala ko siya — my own prince charming — nagbago ang lahat. Naging masaya, naging totoo,” ani KaladKaren. 

 

 

Pagpapatuloy niya: “Oo nakakatakot magmahal, nakakatakot masaktan, nakakatakot iwanan. Pero sabi nga nila, minsan kailangan mo lang maniwala.” 

READ: VIRAL: Ate Glow reemerges in a funny video with Kaladkaren in London

Sa nasabing vlog, ikinuwento ni KaladKaren kung paano itinago ni Luke ang singsing sa kanya na matagal na palang nakalagay sa lugar kung saan nila nilalagay ang kanilang supplies. 

Ani Luke, hindi niya planado ang pagpo-propose noong gabing iyon dahil simpleng date night lamang ang nasa isip niya. 

Nang mapag-usapan ang kasalan, naisipan umano ni Luke na marahil ay ito na ang tamang panahon upang hingin ang kamay ni KaladKaren sa kasal.

READ: KaladKaren, nakaramdam ng lungkot at galit matapos makaranas ng diskriminasyon sa isang resto bar

Ipinakita din ni Kaladkaren ang reaksiyon ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan sa industriya gaya nina Karla Estrada at Angeline Quinto na nag-presenta na kumanta sa kasal nila. 

“Talagang proposal in the time of COVID. Beautiful,” saad ni Tito Boy Abunda nang ikuwento ni KaladKaren ang tungkol sa kanilang engagement. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Sumikat si KaladKaren noong 2017 matapos mag-viral ang video kung makikitang ini-impersonate niya ang beteranang broadcast journalist na si Karen Davila.