• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinuldukan na ni Darren Espanto ang mga spekulasyon tungkol sa kanyang sekswalidad.

Darren Espanto, sinagot ang mga kumukwestiyon sa kanyang sekswalidad

Tinuldukan na ni Darren Espanto ang mga spekulasyon tungkol sa kanyang sekswalidad.

BY
-- Choose an Author --

FRESH SCOOPS

09/10/2020 01:38 PM
Darren Espanto, sinagot ang mga kumukwestiyon sa kanyang sekswalidad
Photo Credit: @darrenespanto Instagram

Nagsalita na sa unang pagkakataon si Darren Espanto tungkol sa mga patuloy na nagsasabing bakla siya. 

 

 

Sa bagong vlog ng malapit nitong kaibigan na si Kyle Echarri, nabigyan ng pagkakataon si Darren na tuldukan ang mga pagdududa sa kanyang sekswalidad.

Ani Kyle, layunin niyang bigyang linaw ang iba’t-ibang isyung bumabalot sa kanyang mga kaibigan kaya naisipan niyang gumawa ng vlog na mas seryoso ang usapan. 

READ: Darren Espanto’s birthday concert at home raises P526,000 for charity

Una munang tinanong ni Kyle ang labinsiyam na taong gulang na singer kung paano nito hina-handle ang mga bashers niya.

“How do I deal with those people? You know what, just don’t mind them. Kasi sa industriyang ginagawalan natin, we’re always going to run into people like that — especially bashers. Kasama ‘yan sa mundo ng showbiz. I personally don’t mind them,” ani Darren. 

Dagdag pa niya: “I know na wala naman silang mas maganda [na gawin] sa buhay kaysa sa akin like c’mon. That’s pretty much it. Like who cares about them?” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Wala lang 🤷🏻‍♂️ #Throwback

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto) on

 

Bata pa lamang si Darren ay nakakatanggap na ito ng pamba-bash mula sa iba’t-ibang tao sa social media dahil umano sa hindi matukoy itong sekswalidad. 

Kaya naman nang tanungin ito ni Kyle kung ano ang isang bagay na gusto niyang bigyang linaw, sinabi ni Darren na ang pagtawag sa kanya ng bakla dahil lamang sa pagkanta niya ng matataas na kanta ang isa dito. 

“A lot of people are like ‘bakla ‘yan kasi …’. Ever since The Voice Kids, when I started singing songs for girls or like I have a high voice in general they always assume my sexual preference pretty much. But I’d like to let everyone know that I’m straight,” saad ni Darren. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A late upload of some #EspantasticAdventures. 📸: @patrickpimentel20

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto) on

 

Pagpapatuloy pa ng binatang singer: “Yun lang. Parang ‘pag bored sila sasabihin nilang ‘Ah bakla ‘yan.’ so ‘yun.”

Panoorin ang vlog ni Kyle sa ibaba: 

Nakilala si Darren dahil sa pagsali niya sa kauna-unahang The Voice Kids sa Pilipinas kung saan naging parte siya ng Team Sarah. 

Tinanghal na first-runner up si Darren sa nasabing contest at si Lyca Gairanod naman bilang Grand Winner. 

READ: Darren Espanto shares about life in Canada with parents as frontliners

Kasulukuyan nasa Calgary, Canada si Darren dahil naabutan ito ng lockdown doon.