• Home
  • Fresh Scoops
  • Taong 2019 nang napalibutan ng kontrobersiya si Gerald Anderson kasunod nang hiwalayan nila ni Bea Alonzo at pagkakaugnay kay Julia Barretto.

‘A Soldier’s Heart’, naging daan ni Gerald Anderson para mag move on

Taong 2019 nang napalibutan ng kontrobersiya si Gerald Anderson kasunod nang hiwalayan nila ni Bea Alonzo at pagkakaugnay kay Julia Barretto.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/10/2020 01:44 PM
‘A Soldier’s Heart’, naging daan ni Gerald Anderson para mag move on

Hindi maitatanggi ng aktor na si Gerald Anderson na malaki ang naging tulong sa kaniya ng programang A Soldier’s Heart.

Kasunod ito ng kaniyang pinagdaanang kontrobersiya noong 2019 sa naging hiwalayan nila ng ex na si Bea Alonzo.

READ: Bea Alonzo's fans alarmed by her cryptic message on social media


Para sa aktor, ang proyekto at ang mga taong nakasama niya dito ang naging daan para malagpasan niya ang kaniyang pinagdaranaan noon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

“Wala na akong masasabi pa. Alam ko na my values and my personality and everything about me has been questioned mula last year. But I think may ginagawa akong tama sa buhay kasi napasama ako sa ganitong proyekto at I’ve been surrounded by great people,” sabi pa ni Gerald sa digital farewell digital conference ng A Soldier’s Heart.

Dito, ibinahagi rin ni Gerald ang ilan sa mga natutunan niya sa buhay at sa karakter na ginampanan na kaniyang dadalhin sa pagtatapos ng programa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maligayang araw ng kalayaan 🇵🇭 #independenceday

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

“Siguro hanapin lang yung contentment at peace sa negosyo namin, sa industriya namin. Maraming nakikialam eh. Maraming may say, maraming may opinion, maraming may judgment,” sambit pa ng aktor.

“But buhay ko ito, buhay mo iyan. Kung anong nagpapasaya sayo, alam mo naman na hindi mo naman talaga sadya manakit ng tao, tapakan. Just live your life and be happy,” patuloy ng aktor.

Aniya, isa rin sa kaniyang natutunan ang harap in ang hamon ng buhay na nagsilbing aral sa kaniya sa pinagdaanang pagsubok.

RELATED ARTICLE: Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson

“Yun ang isa sa mga natutunan sa character ko. Dadating iyan eh. Dadating ang mga challenges mo. Dadating ang mga pagsubok pero life goes on. Mas maraming tao diyan ang [may] mas malaking problema kaysa sa puso ko lalo sa sitwasyon ngayon. Nakakahiya naman kung magrereklamo ako dahil binash ako dahil sa love life ko. May mas maraming problema diyan,” ani aktor.

At sa mga hinaraharap pang mga pagsubok, nanatiling thankful si Gerald na naipagpatuloy pa rin sila na tapusin ang programa sa kabila ng pandemya at issue ng ABS-CBN.

“Nilagay kami sa napakahirap na situation nung nag-lock in kami. [Kami] yung unang show na nilagay sa ganung situation but hindi namin magagawa, hindi ko magagawa ito, hindi ko masu-survive yung unang pandemic ko nung 2019 kung hindi rin dahil sa mga tao sa paligid ko at sa mga nakasama ko. From everyone, mga veteran actors, lahat, to the younger generation. How blessed am I to be part of this,” pahayag ng aktor.

Sa ngayon, pinaghahandaan ni Gerald at iba pang bituin ang nalalapit na pagtatapos ng A Soldier’s Heart na napapanood sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel.