• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-depress si Stephen Robles nang malaman niya noon na may cancer sa baga ang kanyang nakakatandang Kuya kaya naman napilitan siyang pansamantalang iwan ang “It’s Showtime.”

Stephen Robles, bumuhos ang luha sa pagbisita sa himlayan ng yumaong kapatid

Na-depress si Stephen Robles nang malaman niya noon na may cancer sa baga ang kanyang nakakatandang Kuya kaya naman napilitan siyang pansamantalang iwan ang “It’s Showtime.”

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/01/2020 01:29 PM
Stephen Robles, bumuhos ang luha sa pagbisita sa himlayan ng yumaong kapatid
Screenshot from MattSteph Vlogs YouTube Channel

Hindi napigilan ni Stephen Robles ang pagbuhos ng kanyang mga luha sa pagbisita niya sa lugar kung saan nakahimlay ang mga labi ng kanyang yumaong kapatid.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Stephen kung gaano ka-espesyal sa kanya ang kaniyang kapatid nang bisitahin nila ito ng kanyang nanay sa huling hantungan nito sa Tarlac. 

 


 

Ayon kay Stephen, iniwan ng kanyang kuya ang trabaho nito sa Dubai at nagdesisyong umuwi ng Pilipinas. Ngunit huli na nang malaman nila na may sakit ang kanyang nakatatandang kapatid dahil itinago nito sa kanila ang kanyang sakit. 

“‘Yung last na Araw ng mga Patay noong November, kasama ko pa si Kuya nu’n, kasama pa namin siya. Ang bilis lang ng mga pangyayari. Ang bata pa ng Kuya ko. 37 palang siya. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakakamove-on. Tsaka nu’ng mga araw na na-iistress ako ganu’n sa trabaho, sa lahat. Kahit papaano, nagmi-message sa akin si Kuya,” kwento ni Stephen tungkol sa kanyang Kuya. 

READ: Is It’s Showtime’s Stephen Robles male or female?

Ikinuwento naman ni Stephen kung paano nagpapakita ng suporta sa kanya ang kanyang kuya tuwing may pinagdadaanan siyang problema. 

“Nagchi-chemo pa nu’n si Kuya. Tapos nagme-message sa akin si Kuya. Kumusta ganyan. Kasi parang ramdam din naman niya ‘yung na-i-stress ako. Pero siyempre hindi mo naman pwedeng ipakita sa kanya ‘yun. Kasi kailangan dati strong ka. Dapat hindi mo pinapakita sa kanya na nalulungkot ka. Masakit. Pero masaya na rin ako kasi hindi na siya mahihirapan,” ani Stephen. 

READ: ‘Babae nga ba talaga?’: Stephen Robles joined by boyfriend as she puts an end to gender speculations

Ayon kay Stephen, mismong ang kuya niya nag naghahatid-sunod sa kanya gamit ang motor mula Las Piñas hanggang Quezon City. Kaya naman nang nawala ito, umalis muna siya saIt’s Showtime.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

𝘴ꫀꪶᠻ𝓲ꫀ 🤳🏻

A post shared by 𝙎𝙩𝙚𝙥𝙝 𝙍𝙤𝙗𝙡𝙚𝙨 💫 (@showtimestephanie) on

 

“Siya ‘yung naghahatid-sundo sa akin sa trabaho dati. Tapos ‘yun nagkasakit siya. Lagi na ako nag-cocommute,” aniya. 

“Madalaas na akong malate nu’n. Kasi ang hirap din gumising ng maaga talaga. Ang hirap bumangon,” kwento niya. 

 

 

Dumaan umano si Stephen sa depresyon kaya naman napilitan siyang pansamantalang iwan ang It’s Showtimenoon. 

“Nung time na nag-aabsent ako nun sa It’s Showtime, nadpress ako dahil nalaman ko. Nasa Tawag Ng Tanghalan ako noon nag-aassite ng mga contestant ng nalaman kong may cancer si Kuya sa baga,” sambit ni Stephen. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

💆🏻‍♀️💕

A post shared by 𝙎𝙩𝙚𝙥𝙝 𝙍𝙤𝙗𝙡𝙚𝙨 💫 (@showtimestephanie) on

 

Dagdag pa niya: “Hindi naninigarilyo si Kuya pala. Parang second-hand smoke. Tinamaan pa rin siya noon. Parang bumagsak ang langit at lupa sa akin noong nalaman ko.” 

Cancer sa baga ang kinamatay ng kuya ni Stephen.