• Home
  • Fresh Scoops
  • Maugong ngayon ang pangalan ni Sharifa Akeel kasunod ng pakikipagrelasyon umano niya sa Maguindanao Representative na si Esmael Mangudadatu.

Beauty queen Sharifa Akeel, bumwelta sa mga akusasyon sa kanya umanong affair sa isang pulitiko

Maugong ngayon ang pangalan ni Sharifa Akeel kasunod ng pakikipagrelasyon umano niya sa Maguindanao Representative na si Esmael Mangudadatu.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/01/2020 01:31 PM
Beauty queen Sharifa Akeel, bumwelta sa mga akusasyon sa kanya umanong affair sa isang pulitiko
Photo credits to @sharifaakeel IG

Naglabas na ng kaniyang saloobin si 2018 Miss Asia Pacific International Sharifa Akeel kasunod ng napaulat na pakikipag relasyon niya umano kay Maguindanao Representative Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sa isang mahabang Facebook post, sinagot ng beauty queen ang mga ibinabatong paratang sa kaniya ng misis ng Maguindanao Representative na si Mylene Mangudadatu sa programang Raffy Tulfo in Action.

READ: Pinay wagi sa Miss Asia Pacific International 2018


“To Miss Desperada, I am not tearing you down. You are the one bad-mouthing me, right, yet I remained silent after all that you did. I don’t even care about you. I compete with no one. I do what I need to do, if my posts threaten you, that’s your own issue,” sabi ni Sharifa.

Aniya, alam niya ang aksyon ng misis ng congressman na umano ay gumagamit ng ibang account sa social media.

“Ilang dummy na ba nagawa at nakausap mo? Wag kang magmamatapang sa social media. Yan lang ba kaya mong gawin? Puro paninira na lang? Puro pambubully? Puro pagyayabang? Bakit puro social media ka?? Akala ko ba kakasuhan mo ako?? Wag ka puro salita at pasikat,” sambit pa ng beauty queen.

Patuloy niya pa: “If you hate me, hate me alone. Don’t be out there lying about me trying to recruit people to hate me with you. I was born and raised in a poor family setting at hindi ako nagpapanggap, hindi ako umaapak sa estado ng buhay ng iba at higit sa lahat hindi ako nanghahamak ng kapwa.”

Buwelta pa ng beauty queen: “Also, I didn’t use anyone to be where I am now. I worked hard for these.. It’s you who did a good job of showing your true colors all on your own. Don’t blame me with your failed marriage and failed life. Blame your attitude that defines WHO YOU ARE right now.”

Batid rin umano ni Sharifa ang pagpapakalat ng misis ng Maguindanao Representative ng mga malisyosong pahayag. 

“You feel perfectly entitled to push boundaries, lie and criticize. How dare you shout for women empowerment when you don’t even know how to empower your own. You can never be an idol of women because all you say is TRASH,”

At bilang isang kapatid sa Islam, hiling rin ni Sharifa na huwag itong gamitin para manira ng kapwa Muslim.

“One more thing, NEVER EVER USE ISLAM RELIGION as part of your defense because I know that you are ignorant in it,” saad pa niya.

Hamon ni Sharifa sa mga mapanirang pahayag: “Again, if you are really brave enough, don’t do the fighting over social media. We have the right place and proper venue to do such.. You really want to see me behind bars then proceed to court and flaunt all your evidence, if there are. Express all your agony, hatred and false accusations in court. I will see you there!” 

To Miss Desperada, I am not tearing you down. You are the one bad-mouthing me, right, yet I remained silent after all...

Posted by Sharifa Akeel on Friday, August 28, 2020

Markado si Sharifa bilang unang Muslim beauty title holder ng bansa na nakasungkit ng korona sa international pageant scene.