• Home
  • Fresh Scoops
  • Idinaan na lang sa biro ng komendyana na si Pokwang ang pinagdaraanang problema ngayon sa kanyang bill sa kuryente.

Pokwang, na-bulaga sa mala-pabrika levels ng bill sa kuryente

Idinaan na lang sa biro ng komendyana na si Pokwang ang pinagdaraanang problema ngayon sa kanyang bill sa kuryente.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

09/01/2020 09:12 AM
Pokwang, na-bulaga sa mala-pabrika levels ng bill sa kuryente
Photo Credit: @itspokwang27 Instagram

Idinaan na lang sa biro ng komendyana na si Pokwang ang pinagdaraanang problema ngayon sa kanyang bill sa kuryente.

Kasunod ito ng halos ilang buwan na hindi paniningil ng Meralco Power Company dahil na rin sa ipinatupad na magkakasunod na Quarantine protocols sa Metro Manila at ilang karatig na probinsya sa Pilipinas bilang pag-iingat sa COVID-19.

Tulad ng maraming Pinoy, umaaray rin si Pokwang sa lumobong bill ng kuryente na tila palaisipan ngayon kung paano ang naging computation.


“May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag?” status ng komedyana sa personal Facebook nito.

Ayon pa kay Pokwang, walang sumasagot sa kanyang mga tawag sa Meralco hotline para itanong ang kung bakit umabot sa P132,312 ang kanyang konsumo sa kuryente sa loob ng apat na buwan.

“Wala sumasagot at di sinasagot mga tawag... ng hula lang ata sila ng computation... 4 na buwan P 132,312.00 ano kami pabrika?” pabirong pahayag ni Pokwang.

Sa ngayon, maraming Pilipino ang relate sa problema ni Pokwang sa kuryente dahil na rin sa krisis na hinaharap ng karamihan ngayon epekto ng COVID-19.