• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Ria Atayde sa mga host ng bagong morning talk show sa TV5 kasama si Pokwang at Pauleen Luna.

Pag-tawid ni Ria Atayde sa TV5, may blessing ng Star Magic

Isa si Ria Atayde sa mga host ng bagong morning talk show sa TV5 kasama si Pokwang at Pauleen Luna.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/01/2020 09:15 AM
Pag-tawid ni Ria Atayde sa TV5, may blessing ng Star Magic
Photo Credit: @ria Instagram

Isa ang Star Magic talent na si Ria Atayde sa mga Star Magic Artist na mapapanood na ngayon sa bakuran ng TV5 bilang isa sa mga co-host ng isang morning talk show kasama sina Pauleen Luna at Pokwang.

Sa exclusive interview ng Cinema News, ibinahagi ni Ria ang kaniyang working experience bilang host ng isang talk show.

 


 

“Okay naman po, I’m having so much fun, I’m learning so much. In terms of TV5, I feel safe in the studio considering they’re very strict about protocol. I’m having fun naman and very comfortable already which is good,” tugon pa ni Ria sa panayam ng Cinema News.

Kasunod ng franchise denial ng ABS-CBN, aminado si Ria bilang isang produkto ng Star Magic na hindi niya inalaka na aabot sa punto na sa ibang network na siya mapapanood ngayon.

 

 

“Hindi po…of course, hindi po,” sambit pa ni Ria.

“My network has been good to me, to my career so far, it never crossed my mind that it was something would happen, ever,” aniya pa.

At sa kaniyang naging bagong career move, kuwento ni Ria na dumaan sa tamang proseso ang pag-pili sa kaniya bilang isa sa mga host ng bagong TV5 morning talk show program.

“Everything through Star Magic. As far as I know, they requested a name from Star Magic, my name was part of it and then they ask for me. Then yun, my handler tita Cris (Navarro) asked me are you okay with this then ‘yun, ask permission lang, ask inside people then ‘yun na here we are,” paliwanag niya.

At bilang isa sa mga anak-anakan ni Mr. M (Johnny Manahan) sa Star Magic, nagbigay reaksyon rin si Ria sa naging desisyon ni Mr. M na payagan na ang ibang talent ng Star Magic na mapanood sa ibang network.

READ: Johnny Manahan reveals Star Magic in talks with TV5 and GMA-7 to look for jobs for their artists

“I’m happy about it of course. At the end of the day I’m grateful. And ganun talaga mag-isip ang Star Magic, they’ve always ‘artist first’ and considering everything that is happened, it makes me so grateful na talagang iniisip nila at the time like this is artist need to have work, and these artist need an outlet for their craft,” sabi pa ni Ria.

“So it’s nice that is something to considered. At this point talaga it should go beyond network wars,” pahayag pa niya.