• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang ibinahagi ni McCoy de Leon na sinusubukan niya uling ituloy ang kanyang kurso sa kolehiyo.

McCoy De Leon, balik eskwela

Masayang ibinahagi ni McCoy de Leon na sinusubukan niya uling ituloy ang kanyang kurso sa kolehiyo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/09/2020 10:55 AM
McCoy De Leon, balik eskwela
Photo Credit: @mccoydeleon Instagram

Sa isang Instagram post kahapon, masayang ibinalita ni McCoy De Leon na siya ay nagbalik na sa pag-aaral at nakatapos na ng isang term.

Kung matatandaan, third year Civil Engineering student na noon si McCoy sa Mapua University nang umalagwa ang kanyang showbiz career at pansamantalang tumigil sa pag-aaral.

READ: McCoy De Leon buys a house and a 5-storey building in Tondo


“Mahirap dahil nakakapanibago ulit bumalik sa pag aaral pero walang imposible pag gusto. Yan na nga worth it ang hirap, sobrang saya ko lang. Hay thank you Lord! #onetermdown #Mapuan #Pangarap :)” sabi ng aktor sa kanyang post.

 

 

Marami sa kanyang followers at fellow celebrities, tulad nina Melai Cantiveros at Nino Muhlach, ang nag-congratulate kay McCoy sa kanyang pagbabalik sa pag-aaral habang may COVID-19 pandemic sa bansa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Smile :)

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon) on

 

2012 nang magsimulang gumawa ng pangalan sa showbiz si McCoy sa teleseryeng Be Careful With My Heart, hanggang mas makilala siya bilang miyembro ng boy group na Hashtags sa It’s Showtime. Mas nakilala pa sa husay niya sa pag-arte si McCoy sa ilang palabas sa ABS-CBN kabilang na ang pagganap niya bilang si Obet sa The Good Son noong 2017.