• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-unsiyami man ang kwento nina Billy at Gabo ay marami pa ring dapat abangan kina Enrique Gil at Liza Soberano.

Liza Soberano at Enrique Gil kumpirmadong bibida sa bagong pelikula

Na-unsiyami man ang kwento nina Billy at Gabo ay marami pa ring dapat abangan kina Enrique Gil at Liza Soberano.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/09/2020 12:50 PM
Liza Soberano at Enrique Gil kumpirmadong bibida sa bagong pelikula
Photo Credit: @lizasoberano Instagram

Muling bibida sina Liza Soberano at Enrique Gil sa isang bagong pelikula kung saan si Direk Cathy Garcia-Molina ang naatasan bilang direktor. 

Ito ang kinumpirma ng talent manager ni Liza na si Ogie Diaz sa kanilang pag-uusap nitong Sabado ng gabi, Agosto 8. 

Ngunit ayon kay Ogie, hihintayin muna nilang bumaba ang mga kaso ng COVID bago simulan ang shoot para sa nasabing pelikula para na rin daw sa kapanakan ng dalawang artista. 


“‘Pag bumaba lang yung bilang everyday ng COVID cases, pwede na sila mag-trabaho. Yun lang naman yun. Nakakatakot ngayon mag-trabaho kahit naka-lock in ka,” saad ni Ogie. 

Pagpapatuloy pa niya: “Syempre, hindi naman tayo mukhang pera. Long term tayo eh. Mas [concerned] ako sa health noong mga bata.”

Sasailalim umano sa isang lock-in shoot ang dalawa sakaling magsimula na ang paggawa para sa pelikula. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Fave travel buddy forever ūü•Ä

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

 

Ang beteranang rom-com director naman na si Cathy Garcia-Molina na unang nakatrabaho nina Liza at Enrique sa seryengForevermoreang naatasang mag-direk ng nasabing pelikula

“Pero mayroon silang gagawing peikula. ‘Yung pelikula na ‘yun, maganda ang kwento. Kaya lang nga, hihintayin pa rin natin mag-subside itong bilang [ng COVID-19 cases]. Sila ay ila-lock in. Si Cathy Garcia-Molina ang magdi-direk niyan,” ani Ogie. 

Matatandaang Marso nitong taong huling umere ang serye nilang Make It With You ngunit hindi na ipinagpatuloy ang pag-ere sa kabila ng pagbabalik ng mga programa ng network sa Kapamilya Channel. 

READ: LizQuen's 'Make It With You' will no longer continue to air

Pagpapaliwanag ng direktor na si Theordore Boborol, hindi na ituloy na pag-ere nito dahil maliban sa mga mga hamong kakaharapin dulot ng pandemya, isa pang problema ang pag-kansela ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN.  

“ABS-CBN was already badly hit by the pandemic, and then suffered a double blow when its renewal was not granted. Decisions had to be made and we respect and understand why it ought to be done,” saad ni Direk Ted. 

READ: Director explains why ‘Make It With You’ series was cancelled

Kinumpirma naman ni Ogie Diaz na magkakaroon ng bagong teleserye ang LizQuen bilang panghalili sa nasabing serye.