• Home
  • Fresh Scoops
  • Ivana Alawi, nag-topless upang ipagdiwang ang kanyang 8 million subscribers sa YouTube

Ivana Alawi, nag-topless upang ipagdiwang ang kanyang 8 million subscribers sa YouTube

Isang buwan lamang matapos mag-7 million ang kanyang Youtube channel, nagkaroon ng dagdag na 1 million subscribers si Ivana Alawi.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/9/2020 11:02 AM
Ivana Alawi, nag-topless upang ipagdiwang ang kanyang 8 million subscribers sa YouTube


Photo Credit: @ivanaalawi Instagram

Nag-topless ang Kapamilya personality na si Ivana Alawi upang ipagdiwang nito ang bagong milestone sa kanyang karera bilang isang YouTuber. 

Nitong Huwebes, Agosto 6, ibinahagi ni Ivana ang kanyang larawan na kuha ng photographer na si BJ Pascual kung saan makikitang wala siyang saplot na damit at tanging mga kamay lamang ang ginawang pantakip sa kanyang dibdib.

Ito ay upang markahan ang pagkakaroon niya ng 8 million subscribers sa YouTube kung saan halos kada-linggo ay may inilalabas siyang vlog. Matatandaang nitong Hunyo lamang ay ipinagdiwang ni Ivana ang pagkakaroon niya ng pitong milyong subscribers. 

Tingnan ang litrato sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

HAPPY 8 MILLION YOUTUBE 💣 📸 @bjpascual @antheabueno @renzpangilinan @adrianneconcept

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi) on

 

Sa huling vlog na inilabas ni Ivana ay nakasama niya ang kapwa YouTuber na si Alex Gonzaga. 

Unang sumikat si Ivana sa seryeng Sino Ang Maysala?” kung saan nakasama niya sina Tony Labrusca, Bela Padilla, Kit Thompson, at Jodi Sta. Maria. 

Nitong Hunyo naman ay inilabas ni Ivana ang music video para sa awitin niyang “Sana All” na inilabas sa ilalim ng Star Music. 

Pumirma si Ivana ng kontrata sa ABS-CBN Pebrero nitong taon at nakatakda sanang mag-shoot ng bagong serye na “Ligaya” ngunit hindi ito natuloy dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.