• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din ni Dani ang kanyang mga natutunan sa mga maling desisyon niya noon sa buhay.

‘I was beating myself up’: Dani Barretto, pinagsisisihan ang mga maling desisyon sa buhay noon

Ibinahagi din ni Dani ang kanyang mga natutunan sa mga maling desisyon niya noon sa buhay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/09/2020 05:58 PM
‘I was beating myself up’: Dani Barretto, pinagsisisihan ang mga maling desisyon sa buhay noon
Photo credit: @danibarretto on Instagram

Binalikan ni Dani Barretto ang mga panahong napalayo siya sa kaniyang pamilya nang sila ay magkaroon ng masisinsinang pag-uusap ng kanyang kapatid na si Claudia para sa podcast nitong Mindgames.

Read:WATCH: Leon and Claudia Barretto open up about how quarantine brought them closer as siblings

Inamin ni Claudia na hindi sila kasing-close ni Dani gaya ng kung gaano kalapit ang kanyang eldest sister sa nakatatanda rin nitong kapatid na si Julia dahil sa malaking agwat sa kanilang edad. 


Ayon naman kay Dani, naging malaking dahilan rin ito kung bakit hindi niya maipaliwanag ang mga desisyon niya noon sa buhay.  

“It’s so hard for me then to explain. Because when I was in a dark place in my life, you were probably 16 or 17,” ani Dani. 

Pag-amin ni Claudia, hindi niya lubusang maintindihan si Dani noon ngunit ngayon raw ay nagbago ang kanyang pananaw sa kanyang kapatid.

Pagbabahagi ni Claudia: “I didn’t understand why to me I was a bit more closed-minded. I was like ‘why is she like this?’”

“It’s just that I had to do a lot of things for me to just realize that I’m better of doing things away,” sagot naman ni Dani. 

Dagdag pa ni Claudia: “You have a different way of thinking. You’re very independent in that aspect. You need to do things a certain way to achieve your happiness.” 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A precious moment that Millie didn’t enjoy. 😂 Haaaay my Millie girl... you are so loved. ❤️

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto) on

 

Inamin naman ni Dani na isa sa mga pinasisihan niya sa buhay ay ang saktan ang mga pamilya niya noon. 

Sa kabila ng lahat, masaya naman raw siya na mas naipapaliwanag niya na sa kanyang mga nakababatang kapati ang kanyang mga desisyon sa buhay upang hindi na nila ulitin ang mga ito. 

“I just feel like I would grow more if I had full control of my life. But like it really had bad consequences. I’ve hurt a lot of people. I’ve hurt you guys — which was my biggest regret in life. But like now that you guys are older, I can explain now to you guys why that had to happen to me so you don’t have to repeat what I did,” ani Dani. 

Pagpapatuloy pa niya: “Before I was very secretive. You guys didn’t really know what was going on with me. Now it’s different because I can explain to you guys and you can understand me.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Loves of my life ❤️ @juliabarretto @claudia @theleonbarretto @milliepanlilio Insert ERICH here

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto) on

 

Dumating din daw sa puntong natakot si Dani na baka mag-iba ang tingin sa kanya ng kanyang mga kapatid dahil sa mga ginawa nito noon sa buhay.  

“That was my frustration. I was like ‘Oh my God my siblings would think less of me. Like they may think I’m such a bad person. So now that I get to talk to you guys in this level, it just makes me happy because now we can understand each other,” saad ni Dani. 

Pero para kay Claudia, nirerespeto niya si Dani sa kabila ng lahat dahil nakita nito kung saan dinala ang kanyang kapatid ng mga ginawa nitong desisyon noon. 

“To be honest, I really respected your growth as a person because I started to be more compassionate towards people because of your experience. I like to look beyond their actions and understand why these things were happening or why they’re making these choices and that’s because of you,” ani Claudia. 

Dagdag pa ni Claudia: “Because I’ve realized where it brought you. It brought you to such a great place. Maybe it wasn’t the straight path that it should have been but regardless you were able to reach a palce that’s so respectable. And something that we can look up to now.” 

Read: Here’s how Marjorie Barretto celebrated her 46th birthday

Depensa naman ni Dani, may dahilan daw ang lahat ng ginawa niya noon at hindi lang siya basta nag-rebelde. 

“I made that choice already so I have to show them that I did this for a reason. I didn’t do this because I was just being rebellious or going crazy. You know, I needed to fix myself because that was the whole point. I didn’t know who I was. I was so confused. I was in a dark place. I was making so many poor decisions,” ani Dani. 

Masaya naman si Dani na nahanap niya ang kanyang asawa na si Xavi Panlilio na sinabi niyang isa sa mga naging dahilan kung bakit nagka-ayos silang muli ng kanyang pamilya. 

“And at that point, I’m just glad I found someone who balanced me out. I think Xavi coming into my life was very timely. You know Xavi. You know how he’s very reasonable and how he would talk to you like [a] logical person,” sabi ni Dani. 

Read: Dani Barretto, husband celebrate first wedding anniversary

Dagdag pa niya: “So he really made sense and he just told me ‘You can be angry all you want, but you’re just going to fill that void in your heart if you just keep pushing your family away. You know, he’s right. You know, I need my family. I miss you guys every day and I was beating myself up for it because you know, I said I have to do something because I want [that] when they see me, I’m already okay. I want you guys to say ‘she did something with her life’ you know. She got better.” 


Panooring ang bidyu sa ibaba: 

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dati nitong partner na si Kier Legaspi. Samantala, sina Julia, Claudia, at Leon naman ay anak ni Marjorie kay Dennis Padilla. May bunso silang kapatid na si Erich na anak ni Marjorie kay Recom Echiverri.