• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kanyang mahusay na pagganap sa BL series na Gameboys, tanong ngayon ng marami, gay or straight nga ba si Elijah Canlas?

Gameboys’ Elijah Canlas, sinagot ang mga tanong sa kanyang sekswalidad

Sa kanyang mahusay na pagganap sa BL series na Gameboys, tanong ngayon ng marami, gay or straight nga ba si Elijah Canlas?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/09/2020 10:29 AM
Gameboys’ Elijah Canlas, sinagot ang mga tanong sa kanyang sekswalidad
Photo Credit: @elijahcanlas Instagram

Magaling na aktor ang Gameboys lead star na si Elijah Canlas na partner ni Kokoy de Santos sa BL series. Effortless ang pag-portray niya ng karakter ni Cario na isang bading kaya't aakalain mo talagang bading din siya in real life.

Lalo pang na-validate ang kahusayan niya nang manalo siyang best actor sa 17th Asian Film Festival na ginanap sa Rome, Italy para sa pelikulang Kalel, 15. Hindi man siya nakapunta ng Italy, pero nagpadala naman siya ng video message para tanggapin ang unang international award.

“Nag-video lang po ako ng sarili ko tapos nag-send po ako ng speech. Tapos ipapadala na lang po yata dito yung award kasi po since nga po dahil sa pandemic wala pong Filipino na nakapag-travel papunta do’n para makatanggap po ng award for me.


“Sayang nga po, eh. Masaya po sana do’n,  first time ko sana sa Rome kasi hindi pa ako nakakapunta doon,” may panghihinayang na pahayag ni Elijah sa tsikahan nila sa Facebook Live ni Ogie Diaz the other night, August 7.

At dahil nga sobrang epektibo ng pagiging gay ni Elijah sa Gameboys kaya diretsahan siyang tinanong ni Ogie kung straight guy ba siya.

Sagot  ni Elijah, “Well, straight po ako! Pero I mean…  as a person sobrang open lang po talaga ako, especially as an artist na you know that  there’s no one way to love.

“And I don’t know what will happen in the future kasi  I’m living in ‘the now’, in the present. So I’m just a very open person and I’m open to loving whoever, whatever, pero straight po ako.”

Hindi pa rin naman daw dumating sa punto na nagka-crush siya sa kapwa lalaki.

“Well, hindi pa po… hindi pa po,” pahayag niya. “Pero, like kunyari, meron po kasing mga lalaki na talented, ang talino, guwaping talaga, like sa State po -- si Timothee Chalamet.

“Alam n’yo po yung mukhang yon? Sana ganun ako, ganun ako kagaling umarte tapos ang talas pa ng jawline. Pero wala pa naman pong crush na yung crush-crush talaga,” paliwanag ng binata who will be turning 20 years old on August 16.

Inamin din ni Elijah na dahil sa role niya sa pumatok na BL series ng The Idea First Company ay hindi maiwasang pagdudahan ng iba ang kanyang pagkalalaki.

“Opo. I mean, ako po, hindi ko naman po… hindi po ako  masyadong mahilig magbasa ng comments kasi personally, ako po medyo may pagka-sensitive po ako.

“Hindi nga po ako sanay sa… Mahiyain nga po akong tao and medyo private. Pero natuto na rin po akong magbasa sa criticism po ng ibang tao at marami po akong nakikitang pinagdududahan nga yung pagkalalaki ko which is for me is like the best  compliment  ever. Kasi ibig sabihin na-justify ko yung role, kaya wala din po akong masyadong problema do’n,” katwiran ng aktor.

Muling tanong kay Elijah ni Ogie, may posibilidad ba na magkaroon din siya ng feelings sa kapwa lalaki?

“Hindi po ako nagsasara ng ano… Feeling ko po trabaho ko rin as an artist, as an actor, I need to be open minded all the time. I need to be ready for anything which I don’t know what will happen in the next year, the next couple of years in my life, pero I need to be ready for anything that happens.

“And I need to be accepting and open to it as long as hindi po siya mali. Ang tao naman po may likas na sense kung ano yung tama, mali at mararamdaman ko naman po yon. Nandito rin po yung magulang ko, pamilya ko, mga kaibigan para i-guide din po ako sa tama. Pero open lang po  talaga ako parati. Hindi po ako natatakot sa  kung anumang puwedeng mangyari,” diretsahang paliwanag ng award-winning actor.