• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang miyembro ng staff ni Bong Revilla Jr. ang unang napositibo sa COViD-19.

Bong Revilla, nagpositibo sa COVID-19

Isang miyembro ng staff ni Bong Revilla Jr. ang unang napositibo sa COViD-19.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/09/2020 07:43 PM
Bong Revilla, nagpositibo sa COVID-19
Photo credit: @Ramon Bong Revilla, Jr. on Facebook

Kinompirma mismo ng actor-politician na si Senator Bong Revilla Jr na positibo siya sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng post sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ng senador ang malungkot na balita.


“Nakakalungkot po na balita—I am COVID-19 positive,” post ni Bong sa kaniyang Facebook page nitong Linggo, August 9.

Positibo man sa sakit, nilinaw ni Bong na wala din dapat ipagalala lalo na sa mga nakasalamuha niyang kapamilya.

“Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.”

Malaki rin ang pasasalamat ng Senador na maaga niyang nalaman ang kaniyang COVID-19 status matapos magpositibo ng kaniyang staff sa sakit.

“Kami ay nagpa-test at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan. I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nung 40th day ni Daddy,” paliwanag pa niya.

Paglilinaw rin ng actor politician na kasalukuyan siyang under observation sa payo na rin ng duktor. “Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation,” ani senador.

Sa huli, dasal at panalangin ang hiling ni Bong mula sa kaniyang mga kaibigan at mga taga suporta.

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers,” pahayag ng Senador.

Matatandaan na ilang miyembro na rin ng Senado ang mag positibo sa sakit kabilang na sina Miguel Zubiri at Sonny Angara.