• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpunta si Alice Dixson sa isang mala-paraisong isla upang ipagdiwang ang kanyang ika-51st birthday.

Alice Dixson, pinasalamatan ang kanyang special someone para sa kanyang secret birthday getaway

Nagpunta si Alice Dixson sa isang mala-paraisong isla upang ipagdiwang ang kanyang ika-51st birthday.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/09/2020 10:08 AM
Alice Dixson, pinasalamatan ang kanyang special someone para sa kanyang secret birthday getaway

Ipinagdiwang ng aktres na si Alice Dixson ang kanyang ika-51st birthday sa isang mala-paraisong isla kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan at special someone. 

Sa kanyang bagong vlog, pinatunayan ni Alice na age is just a number dahil sumabak ito sa iba’t-ibang sports activities sa beach gaya ng frisbee at wakeboarding. 

Napa-throwback naman ang ilan sa kanyang mga fans at sinabing naaalala nila ang pagganap nito bilang Dyesebel nang sumisid ito sa ilalim ng dagat.


Matatandaang bumida si Alice kasama si Richard Gomez sa nasabing pelikula na ipinalabas noong taong 1990. 

Samantala, pinasalamatan naman ni Alice ang kanyang ‘special someone’ na sinabi nitong dahilan kung bakit naging masaya ang pagdiriwang niya ng kanyang ika-limampu’t-isang kaarawan. 

“Thanks to all my friends and special someone who made my 51st birthday the best it could possibly be despite what’s going on in the world,” saad ni Alice. 

Dagdag pa niya: “I am so grateful we had the opportunity to celebrate it a few days on the beach in health and happiness.” 

Bagama’t hindi ipinakita ang mukha ng kanyang ‘special someone’ ay makikita naman sa nasabing video na may katabi itong foreigner na lalaki na kalaro ng baraha. 

READ: Alice Dixson still trying to start a family with foreigner boyfriend

Taong 2017 naman nang inamin ni Alice na nasa apat na ang relasyon nila ng kanyang foreigner boyfriend.  

Ibinahagi naman ni Alice ang kanyang isa sa mga hiling sa kanyang 51st birthday at sinabing wish nito na matapos na ang pandemya at makabalik sa kani-kaniyang mga normal na buhay ang bawat isa. 

“By the way, my two birthday wishes were … well, the first one already came true and the second is that we can all go back to our mask free lives soon,” saad ni Alice. 

Panoorin ang bidyu sa baba: 

Ikinasal si Alice sa Filipino-Canadian na si Ronnie Miranda taong 1999 ngunit naghiwalay din taong 2013 

READ: Alice Dixson admits having children was a reason she and Fil-Canadian hubby split

Sa isang panayam, inamin ni Alice na ang hindi pagkakaroon ng anak ang isa sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay.