• Home
  • Fresh Scoops
  • Solong itinaguyod ni K Brosas ang pagpapalaki sa kaniyang anak na si Crystal Brosas.

Rebelasyon ni K Brosas pag dating sa pag-ibig: ‘umaasa na ako sa dating app’

Solong itinaguyod ni K Brosas ang pagpapalaki sa kaniyang anak na si Crystal Brosas.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/08/2020 03:40 PM
Rebelasyon ni K Brosas pag dating sa pag-ibig: ‘umaasa na ako sa dating app’
Photo credit: @kbrosas IG

Sa kabila ng tagumpay sa kaniyang karera bilang singer, TV host at komedyana, inamin ni K Brosas na loveless pa rin siya hanggang ngayon.

 

 

Kuwento ni K, dahil sa kaniyang mga naging experiences sa buhay, aminado siyang hirap siyang makahanap ng lalaking swak sa kaniyang personalidad.

“Lagi naman tayong handa, ang problema, waley! (Laughs),” tugon ng singer-comedienne sa masayang kuwentuhan sa naganap na episode ng “I Feel U”.

Patuloy niyang kuwento: “Kasi kung may darating naman, bakit ko i-dedeprive ang sarili kong kaligayahan teh, e yung anak ko gumugo-signal! Dumating na nga kami sa point na umaasa na ako sa dating app, tapos ini-screen ko tapos parang ‘Pwede na to’ (laughs) Pero mali. Dahil sa taglay kong kaartehan”.

Dito, pabiro rin niyang inilahad ang standards ng isang lalaki na kaniyang hinahanap.

“Masyado kasing mataas ang standard ko. Kasi wala akong choice kasi mayroon akong anak na pinalaki so hindi puwede sa 'kin ang weak. Kailangan ‘yung dadalhin ako, gusto ko naman makarinig nang ‘shhh manahimik ka nga’ ganern,” sambit pa ni K. “Ang hirap makahanap ng mas strong sa akin kasi na intimidate usually, most of the time.”

 

 

Loveless man ngayon, punong-puno naman si K ng pagmamahal na kaniyang natatanggap mula sa kaniyang unica hija na si Crystal at mga malalapit na kaibigan.