• Home
  • Fresh Scoops
  • Balak din ni Christian Bables na gumawa ng sariling YouTube channel.

EXCLUSIVE: Christian Bables, tuloy ang teleserye kasama sina Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Rafael Rosell

Balak din ni Christian Bables na gumawa ng sariling YouTube channel.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/08/2020 02:14 PM
EXCLUSIVE: Christian Bables, tuloy ang teleserye kasama sina Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Rafael Rosell
Photo credit: @christiaaan06 IG

“Kain, tulog, aral acting, nood movies, takutan, gulatan at makipaglaro sa PA and driver ko. Kumustahin ang pamilya at mga kaibigan.”

Ito raw ang routine ni Christian Bables sa araw-araw habang naka-quarantine sa kanyang bahay sa Quezon City. Naikuwento niya ang tungkol dito habang ka-chat namin siya sa Messenger.

“Then repeat po. Paulit-ulit lang po na ganun. Hanggang sa pumasok yung mga blessings na hindi ko inaakalang dadating sa mga panahong ito,” kuwento ulit niya.


“Nagkaroon po ako ng mga endorsements, so I got busy po sa mga endorsement shoots, meetings, and short film zoom shoots,” dagdag pa niya.

Matutuloy din daw ang teleseryeng gagawin niya kasama ang ibang Kapamilya stars kahit na may COVID-19 crisis at nagsara ang ABS-CBN.

“Gagawa po ako ng teleserye kasama sina Rafael Rosell, Jameson Blake, Richard Gutierrez, and Bea Alonzo. Awa po ni God, noong huling makausap ko ang EP ng show ay tuloy pa rin daw po ang taping. Postponed lang daw po.

“Kung kailan po itutuloy yon siyempre hindi ko pa alam. Depende po yon sa sitwasyon natin ngayon, kasi nga may COVID at tumataas pa yung mga cases,” lahad pa niya.

Postponed din daw ang shooting ng kanyang mga pelikulang naka-lineup.

“Postponed din po ang shooting ng tatlong pelikulang gagawin ko, pero mag-i-start na po kami mag-shoot nung isa ngayong August,” sambit niya.

Ano nga ba ang career plan niya ngayong sarado na ang ABS-CBN?

“Kung plano po with my career, pinapaubaya ko na po sa manager ko, kay Tito Boy Abunda, ang lahat,” sagot ni Christian. “Pero pinaghahandaan na po namin ang pagbubukas ng YouTube channel ko. Pero hindi po the usual vlogging ang mapapanod dito.

“Magkakaroon po kami ng mga shows na very inclined pa rin po sa kung ano ang passion ko—acting, at sa mga nais ko pang ma-explore tulad ng hosting. Malapit na po ito,” balita ni Christian sa amin.

Samantala, ayon pa rin kay Christian ay nananatili ang komunikasyon nila ng co-stars niya sa teleseryeng Halik.

“Hanggang ngayon, nagkakamustahan kaming lahat. Hindi man madalas, pero sinisigurado naming andiyan parin kami para sa isa’t isa. Lalo na ngayong mga panahong ito na napakalaking bagay ng simpleng pag kamusta. Sa katunayan  si Echo (Jericho Rosales) ang tumulong sakin sa design ng interior ng sasakyan ko during lockdown,” huling kuwento ng aktor sa PUSH.