• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinasabing pumanaw ang dating alkalde ng Maynila sa komplikasyon sa sakit ng COVID-19.

Ex Manila mayor Alfredo Lim passes away at 90

Sinasabing pumanaw ang dating alkalde ng Maynila sa komplikasyon sa sakit ng COVID-19.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/08/2020 07:05 PM
Ex Manila mayor Alfredo Lim passes away at 90

Pumanaw na sa edad na 90 ang dating Manila mayor na si Alfredo Lim.

Kinumpirma ni Mayor Isko Moreno kahapon, August 7, na nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang dating alkalde..

Sa isang Facebook post ng kanyang apo na si Paul dela Cruz, nagpasalamat ito sa mga nagdasal para sa kanyang lolo. 


"Paalam at maraming salamat lolo, tatay , idol , dirty harry , katapat Mayor ALFREDO S. LIM. 🙏🏽❤️

Sa mga nag dasal, nag alala, nag mamahal at mga patuloy na sumuporta po kay mayor hanggang sa huli maraming maraming salamat din po sa inyo." 

Si Alfredo Siojo Lim ay nakilala bilang isa sa mga respetadong miyembro ng Manila Police na nagsilbi sa loob ng tatlong dekada at naging direktor ng National Bureau of Investigation noong 1989-1992. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pagsisilbi sa bayan, naging matunog ang kanyang pangalan hanggang sa pasukin niya ang mundo ng pulitika.

Si Lim ay dalawang beses nagsilbi bilang Manila Mayor una dito ay noong taong 1992 hanggang 1998. Dahil sa magandang track record sa public service naabot ng dating Mayor ang pagiging senador kung saan nagsilbi siya simula 2004 hanggang 2007 bago siya bumalik sa pagiging mayor ng Maynila simula taong 2007 hanggang 2013.

Naging malapit rin sa mundo ng showbiz si Mayor Lim. Sa katunayan, dalawang beses din ginawa ang kaniyang buhay sa pelikula una na dito ang “Batas Maynila” noong 1995 na ginampanan ng namayapang aktor na si Eddie Garcia. 

Taong 2013 naman, binigyang buhay rin ni Cesar Montano ang talambuhay ni Alfredo Lim sa pelikulang “Alfredo S. Lim: The Untold Story”.

Naging bahagi rin ng ABS-CBN ang dating mayor bilang host ng crime documentary drama series na “Katapat, Mayor Fred Lim”.