• Home
  • Fresh Scoops
  • Ani K Brosas, ang pagkakaroon ng open communication ang isa sa mga sikreto ng maayos na relasyon niya sa kanyang anak na si Crystal.

K Brosas, full support para sa mga desisyon ng anak na si Crystal

Ani K Brosas, ang pagkakaroon ng open communication ang isa sa mga sikreto ng maayos na relasyon niya sa kanyang anak na si Crystal.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/07/2020 03:54 PM
K Brosas, full support para sa mga desisyon ng anak na si Crystal
Photo credit: @kbrosas and @crystalbrosas IG

Sa isang episode ng “I Feel U," proud na ibinahagi ng singer-comedienne na si K Brosas ang naging desisyon ng only daughter na si Crystal sa naging paglalahad nito ng kaniyang tunay na kasarian.

Matatandaan na hinangaan sa social media  ang naging desisyon na ito ni Crystal. Siya ay  nagsisimula ngayon ng kaniyang karera bilang isang musical composer.

WATCH: K Brosas turns emotional as she reveals daughter is a lesbian in new vlog


“Sa kanya naman galing ‘yun e, matagal na niyang gusto, ako lang yung.... Matagal ko ng alam (of) course bilang nanay no,” natatawang bungad ni K sa panayam ni Toni Gonzaga.

“Lagi ko lang sinasabi na wait lang. May career din kasi siya sa music. Eh kaso, gusto na rin niya eh. Ako nga ‘yung nagsasabi na ‘hindi mo kailangan mag-out’ eh wala eh, gusto niya pagsigawan,” sambit pa ng singer-comedienne.

Aniya, bilang nanay, suportado niya ang magiging desisyon ng kaniyang nag-iisang anak.

“Hindi ko naman puwede na ipagkait sa kaniya ‘yun and gusto ko rin malaman ng tao na proud ako kung ano man siya,” ani K.

Kuwento pa ni K, tulad ng maraming mother-daughter relationships, hindi rin umano perpekto ang sa kanila ng anak.

“Wala namang perfect relationship ng mother and daughter or father and daughter, walang perfect. Meron talaga na hindi pagkakasunduan. Sa pamilya ganun naman lagi. Pero, mas lamang pa rin ‘yung pagkakaunawaan. So pag naririnig mo na ipinagmamalaki ka ng mga anak mo sa mga kaibigan, siguro ‘yun na ang basehan na ‘ahh may nagawa akong tama’ ganun,” aniya.

At sa naging choice ng anak, sinigurado ng singer na hindi nagbago at magbabago ang suporta niya para kay Crystal.

“Siguro ang suportahan siya. Itong recent revelation niya. Support ako, ipaglalaban ko kung ano ang karapatan nila, niya, ‘yun lang talaga. At, pagbigyan kung ano talaga gusto niya, gusto niya talaga ‘yun.”

Sa huli, isang payo rin ang ibinahagi ni K para sa mga inang tulad niya sa masasabi niyang sikreto ng magandang relasyon niya sa kaniyang anak.

“Kailangan niyo talaga maging open ‘yung communication niyo sa anak niyo. Hindi tayo pwede na anong petsa na, 2020 na, kasi pag the more tayong strikto, magtatago lang ‘yang mga yan, magbabarkada, magbibisyo ‘yun naman ‘yun eh. So kailangan talaga na, naiisip mo nawawala na ‘yung respeto sayo, hindi naman ganun ‘yun. Kailangan ‘yung line ng communication, open, pero nandon pa rin ang respeto,” pahayag pa niya.