• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagkatapos sumali sa Pinoy Boyband Superstar, acting naman ang sinusubukan ni Allen Cecillo.

EXCLUSIVE: Allen Cecilio, bida sa bagong BL series

Pagkatapos sumali sa Pinoy Boyband Superstar, acting naman ang sinusubukan ni Allen Cecillo.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/07/2020 11:51 AM
EXCLUSIVE: Allen Cecilio, bida sa bagong BL series
Photo credit: @iamallencecilio and @skyquizon IG

Bagong journey ngayon bilang isang aktor ang haharapin ng dating contestant sa Pinoy Boyband Superstar para sa BoybandPH na si Allen Cecilio na bida ngayon sa BL series na Kumusta Bro?

Sa ating panayam kay Allen, proud na ikinuwento ng bagong aktor ang kanyang role sa bagong BL series kung saan makakasama niya si Sky Quizon.

“Ang character ko po dito ay si Dean isang nerdy guy na mahiyain at mahina ang loob, matagal na siyang may gusto kay Thirdy (Sky Quizon) na isang overachiever pero hindi siya nabibigyan ng chance na mapalapit dito kaya nung nagkita sila sa KUMU after 5 years nilakasan na niya yung loob niya, kaya dapat nila abangan yung magiging transformation ng isang mahiyain na Dean para ipursue yung pagmamahal niya kay Thirdy,” kuwento ni Allen sa atin.

At kahit na baguhan sa pag-arte, hindi nagdalawang isip si Allen na tanggapin ang role sa bagong proyekto.

“Unang una kaya ko po tinanggap itong project na to kasi why not? Trabaho ito,” masaya niyang sagot. 

“Kailangan kumita ng pera lalo na sa nangyayareng pandemic ngayon. Even before this project po ang dami na din nagtatag sakin na mga supporters na bagay daw ako mag BL series so I got curious about it po then Kumusta Bro came.” 

Kuwento pa niya ibang challenge rin sa kanya na gampanan ang role lalo na at sa ibang platform ito napapanood.

“Ang ganda ng concept sobrang challenging po lalo na yung fact na sa LIVESTREAM APP namin siya ginagawa which is yung KUMU, para kami nagte-theater play online. Mahahasa at matetest talaga yung pagmamahal mo sa craft mo,” sabi pa ni Allen.

Bilang paghahanda naman sa gagampan na role, tumutok rin si Allen sa mga sikat na BL story na nagsimula sa Thailand.

“I watched some Thai BL series po to get the ‘BL vibe’ po and to understand it deeper po kung ano ba talaga ang message na dapat namin ipahatid sa mga manonood as BL actors. Nagrefresh din po ako ng mga napagaralan namin sa acting workshops ko before and we also had a series of workshop with our director Direk Real Florido together with my co-actors po, sobrang saya kasi bago din yung way nung workshop cause we’re doing it virtually po,” sabi pa niya.

Bukod sa workshops, inaral rin ni Allen ang mga galawan ng mga malalapit na kaibigan na bahagi ng LGBTQ community.

“Yes po! I have friends who are part of the LGBTQ community po lalo na di ba po sa ganitong industry from make up artists to wardrobe etc., mga sobrang talented po and they have shared some stories of them when it comes to love and the more I understand how they’ve been going through pagdating sa same sex relationship so nakatulong din po talaga yun para magampanan ko po ng maayos yung role ko,” pahayag ni Allen.

Kasama ni Allen sa Kumusta Bro? kasama sina Kristof Garcia, RJ Agustin at Sky Quizon sa direksyon ni Real Florido.