Anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice, usap-usapan sa social media

Dalaga na ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/07/2020 04:38 PM
Anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice, usap-usapan sa social media
Photo credit: @iloveruffag IG

Usap-usapan ngayon sa social media ang kinse anyos na anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas matapos mag-viral ang kanyang litrato kung saan makikita ang pagkakahawig nila bilang mag-ina. 

READ: Ruffa Gutierrez: 'Have a life outside show business'

Ayon sa mga netizens, nakikita nila kay Venice ang mukha ni Ruffa lalo na noong kabataan ng “Love Thy Woman” star na unang nakilala sa variety show na “That’s Entertainment.”


Wish ni Ruffa, sana raw ay manatili itong bata sapagkat bumibilis ang paglaki nito. Ani Ruffa: “My youngest is growing up so fast! @venicebektas. Stay little.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My youngest is growing up so fast!!!🥺@venicebektas stay little🤍

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Samantala, ibinahagi rin ni Venice ang parehong litrato sa kanyang Instagram. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

she smiles????

A post shared by venice💒 (@venicebektas) on

Ipinanangak si Venice o Venicia Loran-Bektas noong Setyembre 11, 2004 sa Cedars-Sinai Hospital sa Los Angeles, California. 

Si Venice ang pangalawang anak ni Ruffa sa dating asawa na si Yilmaz Bektas, isang businessman mula sa Turkey. 

Nitong nakaraang Agosto a-tres naman ay nag-post si Ruffa sa kanyang Instagram upang batiin ang kanyang panganay na si Lorin na ipinagdiwang ang kanyang kaarawan. 

READ: Ruffa Gutierrez's daughter Lorin celebrates birthday amid quarantine

“To my beautiful firstborn, Lorin. Here’s wishing you a birthday that is as beautiful, incredible, and unique as you are. Always stay focused, study hard and don’t accept suitors yet. LOL. I love you to the moon and back,” saad ni Ruffa. 

Matatandaang naghiwalay sina Ruffa at Yilmaz taong 2007 — mahigit tatlong taon mula nang sila ay ikinasal.