• Home
  • Fresh Scoops
  • Dinepensahan ni Andi ang partner nito na si Philmar dahil sa kulay ng balat nito.

Taga-isla lang? Andi Eigenmann, dinepensahan si Philmar Alipayo sa mga bashers

Dinepensahan ni Andi ang partner nito na si Philmar dahil sa kulay ng balat nito.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/06/2020 07:04 PM
Taga-isla lang? Andi Eigenmann, dinepensahan si Philmar Alipayo sa mga bashers

Sa unang pagkakataon ay naging bukas sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa publiko tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kanilang bagong vlog sa kaniyang YouTube channel na “Happy Islanders” ay napag-usapan ng dalawa ang iba’t-ibang bagay mula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa kung paano nahulog ang puso nila para isa’t-isa. 

Andi Eigenmann learns how to grow fruits, vegetables while on quarantine in Siargao


Ngunit hindi rin naiwasang mapag-usapan ang tungkol sa mga pambabatikos na natatanggap ni Philmar mula sa mga netizens nang sagutin nito ang tanong kung mahirap nga ba magkaroon ng partner na artista.

Saad nito: “[Mahirap] at first because people will come to me na bashing me.”

Ayon naman kay Andi, nagtataka nga siya kung bakit marami ang nanglalait sa kulay ng balat ni Philmar.

“Parang bakit yung Pilipino sa tingin nila yung itsura ng Pilipino pangit. Like my partner’s maitim, hello that’s so nice kaya.” Dagdag pa nito: “I didn’t think people would be saying bad things to Philmar just because of his skin color and also because he’s from the province.”

Andi Eigenmann shares realizations in life while on quarantine in Siargao

Pinabulaanan naman ni Andi ang paniniwala na porke’t galing probinsya ay wala nang karapatan magtagumpay sa buhay. Ayon kay Andi, sana ay tumigil na ang ganitong pag-iisip.

“I hope that Filipinos would get rid of that mentality that if you’re from the province that you are not successful. That that means you’re inferior to everyone else who is finding jobs in the city, because that’s not the meaning of success and also every person is different,” saad niya.

Dagdag pa niya: “There are just people who think that life for them is much better and gives more meaning staying on an island just like me and Philmar. And that’s why we’re happy together here.”  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A bald Lilo and papa. We miss you so much and being outdoors with all the coco trees, the sun and fresh air.🌴

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

 

Sabi pa ni Andi, kagaya ng maraming nasa probinsya, desisyon nila itong manatili doon at hindi ibig sabihin na hindi sila namumuhay ng masaya at matagumpay sa bahay.

“We’re here because we’re happy to be here and he never left the island because he wants to be on the island. It doesn’t mean because he’s not successful,” ani Andi.

Pagpapatuloy pa ni Andi: “But that’s okay because while people are being mean, we’re happy.”

Ibinahagi rin ni Andi na lumapit raw isang beses si Philmar sa kanya upang ikwento ang nararamdaman nito sa mga nambabatikos sa kanilang relasyon.

“Sabi niya, ‘people don’t like us together because taga-isla lang ako,’ he said that to me OMG,” saad ni Andi. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

More from Lilo’s 1st birthday shoot with @niceprintphoto Set design by @gideonhermosa @gardensbyhoh

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

 

Dagdag pa niya: “‘Taga-isla ka lang?’ don’t ever say that. ‘Taga-isla ka lang,’ don’t say that that’s a ‘lang’ lang thing because to me, you guys are the richest people on earth to be surrounded by such beauty, nature, and living in paradise like this.”

Panooring ang video sa ibaba: 

Nagdesisyung manirihan si Andi sa Siargao taong 2018.

Sa ngayon ay may pinapatakbo na siyang bed-and-breakfast sa isla.