• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang mga hamon para sa isang ina sa pagtaguyod ng kaniyang tatlong anak.

Sunshine Cruz, napa-throwback sa naging tulong ng ABS-CBN sa kaniyang karera

Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang mga hamon para sa isang ina sa pagtaguyod ng kaniyang tatlong anak.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/05/2020 03:17 PM
Sunshine Cruz, napa-throwback sa naging tulong ng ABS-CBN sa kaniyang karera
Photo Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Sa naganap na episode ng I Feel U nitong Linggo, August 2, hindi maiwasan na mapa-throwback ang aktres na si Sunshince Cruz sa naging tulong sa kaniya ng ABS-CBN bilang isang ina at single mother sa kaniyang tatlong anak na sina Angelina, Sam, and Chesca.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Reunited with my girls. ❤️


A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

Kuwento ni Sunshine, sunod-sunod at nag-uumapaw na blessings ang ibinigay ng ABS-CBN sa kaniya ng tuluyan silang maghiwalay ng dating asawa na si Cesar Montano taong 2013.

“I’ve been a single working mom since 2013, so matagal na seven years mag-eight years na rin,” aniya sa panayam ni Toni Gonzaga.

Patuloy pa niya: “Andon ‘yung struggle na ‘kakayanin ko ba na alagaan ang tatlo kong anak? Maibibigay ko ba ang wants and needs nila but thank God talaga with ABS-CBN sila ‘yung sumalo sa akin na after a week na separated na ako, dumating ‘yung offer sa akin at nagtuloy-tuloy ‘yun talaga,” ani aktres.

Matatandaan na year 2000 nang ikinasal siya kay Cesar Montano at nagkaroon sila ng tatlong anak.

Taong 2013 naman nang napabalita ang pakikipag hiwalay ng aktres dahil sa dahil sa isyu ng pakikipagrelasyon umano ng kaniyang mister noon sa modelong si Krista Miller. Kasunod na taon, tuluyan ng nag-file ng annulment case ang aktres.

At nitong nakaraang taon lang (2019), tuluyan nang napawalang bisa ang kasal ni Sunshine kay Cesar matapos ang halos limang taon na naging proseso ng annulment case.

READ: Sunshine Cruz is happy with court’s decision on her annulment case

Aminado si Sunshine bilang isang single mother, hindi rin biro para sa isang magulang na tulad niya to raise her three daughters alone. Kaya ganun na lang rin ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng tao na patuloy naniwala sa kanyang talento bilang isang aktres kasunod ng kaniyang pagbabalik sa showbiz.

READ: Sunshine Cruz, umamin na minsang nakalimutan mahalin ang sarili

“There was even a time na nag-o-overlap ‘yung teleserye ko so kung takot na takot ako before, nabura ‘yun kasi salamat sa Diyos nagkaroon ako ng mga projects at ‘yung nagbigay sa akin ng daan para makapag provide ako sa mga anak ko,” ani aktres.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Sunshine sa tip favorite Kapamilya series sa iWant na Love Thy Woman kasama sina Yam Concepcion, Xian Lim, at Kim Chiu.