Short films featuring Jericho Rosales at Gloria Sevilla ibibida sa Cinemalaya 2020

Tuloy pa din ang Cinemalaya 2020.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/05/2020 08:49 AM
Short films featuring Jericho Rosales at Gloria Sevilla ibibida sa Cinemalaya 2020
Photo Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Tuloy na tuloy pa rin ang 2020 Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon at ilan sa ipapalabas ang mahuhusay na short films na bida ang main stream at veteran actors.

Una na dyan ang Basurero featuring Jericho Rosales. Istorya ng isang mangingisda na nagkaroon ng kakaibang side job na ginawan nya ng paraan upang matakasan under ng direction ni Eileen Cabiling.

Kasama rin ang Nang Em na istorya ng usang 85-year-old character na gagampanan ng veteran actress na si Gloria Sevilla. Kuwento ng isang senior citizen kung paano nakaka survive sa panahon ng pandemya na binigyang direksyon ni Maria S. Ranillo.


Kasama din ang Heneral Rizal by director Chuck Gutierrez.

Mapapanood ang tatlong short films August 7 hanggang 15, streaming sa Vimeo.