• Home
  • Fresh Scoops
  • Original host ng ‘Student Canteen’ at senador na si Eddie Ilarde pumanaw sa edad 85.

Dating senador at TV host Eddie Ilarde, pumanaw na

Original host ng ‘Student Canteen’ at senador na si Eddie Ilarde pumanaw sa edad 85.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/05/2020 03:56 PM
Dating senador at TV host Eddie Ilarde, pumanaw na

Binawian ng buhay ang batikang TV host at broadcaster na si Edgardo ‘Eddie’ Ilarde sa kanyang tahanan sa Makati City nitong August 4 sa edad na 85. Kaagad namang iki-cremate ang kanyang labi ayon sa pamilya nito dahil na rin sa ipinatutupad na MECQ sa bansa.

Bago pinasok ang larangan ng pulitika at naging senador ng bansa (mula 1970 hanggang 1973) ay isa munang radio broadcaster at TV host si Eddie Ilarde.

Kasama si Eddie bilang isa sa original hosts ng noontime variety show na Student Canteen. Ang iba pang hosts ng programa ay sina Leila Benitez, na pumanaw na rin dahil sa komplikasyon sa COVID-19 at si Pepe Pimentel, na pumanaw ilang taon na ang nakakaraan dahil sa heart attack.


Ang programang Student Canteen ay isang radio show ng CBN or  Chronicle Broadcasting Network na nagsimula noong 1950s. Live silang napapakinggan noon mula sa CBN Building sa Intramuros Manila.

Nung nagsimula nang mag-broadcast ang CBN sa telebisyon sa pamamagitan ng Channel 9, naging televised na rin ang Student Canteen. Nangyari ito bago pa man na-acquire ng mga Lopezes ang Alto Broadcasting Service (ABS) na eventually ay nag-merge sa CBN kaya nabuo ang ABS-CBN.

Matagal ding naging host noon si Eddie ng radio show na Kahapon Lamang sa CBN. Nag-evolve ito at naging Dear Kuya Eddie and then naging Napakasakit, Kuya Eddie.

Nakikiramay ang PUSH sa kanyang mga naulila.