• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Kris Aquino, mas gusto daw ni Joshua na tumira sa probinsiya.

Joshua Aquino, humiwalay na ng tirahan sa inang si Kris Aquino

Ayon kay Kris Aquino, mas gusto daw ni Joshua na tumira sa probinsiya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/04/2020 03:29 PM
Joshua Aquino, humiwalay na ng tirahan sa inang si Kris Aquino
Photo Credit: @krisaquino Instagram

Teenager na ang bunsong anak ni Kris Aquino and anytime ay puwede na itong manligaw at magkaroon ng girlfriend. Handa na kaya si Kris sa ganitong bagay?

“Yes! But I want to join! Hahaha!” natatawang reaksyon ni Kris  “I told him, ‘Bim, later on, when the ano… When the cinemas are open again, you can ask anybody that you want to watch a movie! Kasi, nu’ng 12 ako, pinayagan akong manood ng sine sa States ng mom and dad ko!

“Because it was my mom who told my dad, that ‘You know, we’re in the States, you have to go with the culture.  And you have to allow her.’ Nasaan na kaya ‘yung lalaking ‘yon? Hahaha! Baka naman by now, naghiwalay na?  Mahanap nga siya!


“Si Bim, sinabi nya, ‘Oh, my gosh! And you’re going to bring cameras!’ Sabi ko, ‘No, I’m not. I’m going to let you have privacy.’ Okay… So, can I emphasize also na, yes, they do love me, but I can too much also,” kuwento ni Kris.

Ibinahagi rin ni Kris na pinayagan na niyang manirahan sa Tarlac ang panganay niyang si Josh.

Lahad niya, “Kasi ‘yung ano, ‘di ba may programang nilulunsad ngayon, ‘yung Balik-Probinsiya? Si Kuya (Josh), gusto nang tumira sa probinsiya.  Dumiretso siya sa tiyuhin niya. ‘I want to live in Tarlac,’ tinext niya.  So, ang safe answer nu’ng tiyhuhin,  ‘You have to ask your mom’s permission.’

“Eh, siyempre, alangan ba namang ako ‘yung maging kontrabida? So, I said, ‘Sure, Kuya!’  Aba,  ang sinagot,  ‘You can have lola’s old room and we can share the house… So, as we speak now, tomorrow, titira na siya sa Tarlac, si Kuya!

“Pero ang sinabi ko, one week-one week si Kuya. Kasi, between the two,  it’s really Kuya who loves living in the province, specifically, he loves Tarlac, because, happy memories siya doon with his lola.

“And we all know, ‘di ba, na minsan, love-hate ang relationship naming talaga ng only brother ko (Noynoy).  Pero, favorite talaga niya si… May soft spot siya for Kuya (Josh)… So, hindi tinanggihan.

“Napagastos tuloy ako, dahil bagong aircon, may TV, heater, naglagay ng mga blinds, mga bagong sofa beds, mga gano’n… Tapos, gumawa siya ng sarili niyang team, may Team Josh! Sabi ko, ‘Okay!’  So, ako naman, ‘Sige, Kuya, go!’”

Pinag-iipunan din ngayon ni Kris ang magkaroon ng fish pond kapag nag-decide na siyang tumira sa probinsiya.

“Honestly ha, and I’m not… I’m serious in this: I’m healthy when I’m in the province.  So, part of my life goal is to work four days here in NCR or Metro Manila, and to live three days in the province.

“So, pinag-iipunan ko ‘yan kasi, sabi ko, gusto kong magkaroon ng mga fish ponds  Naloka na ‘yung mga nasa paligid (ko ngayon),  dahil sabi nila, ‘Magpapaayos! Kailangan nating mag-NLEX at SCTEX para ayusan siya?!’ Hahaha! Hindi! SCTEX-Exit na. Hahaha!” sabay halakhak niya.

Patuloy niya, “Pero the one thing I truly miss – ‘yung pandesal sa probinsiya!  Sarap talaga! Kasi, freshly baked every day.  Tapos, iba siya!  Ang sarap!  Tapos, ‘yung simoy ng hangin. 

“Tapos, gusting-gusto ko talaga tumira near a lake… And yun nga, sabi ko, para naman productive citizen ako, meron akong fish pond or something…  or my dream actually, it’s always been a dream, and it can come true – is to own a beach resort!

“Oo, ‘yun! Krissy’s Resort! Hahaha!  Naloka sila.  Bakit?  ‘Di ba, kayo rin naman, gugustuhin ni’yo na ako ‘yung nagwe-welcome sa inyo?  At once a week, may cooking session doon na ako ang nagtuturo,” pahayag pa niya in a very Krissy-manner.