Ibinida ng Kapamilya anchor at TV host na si Korina Sanchez ang kanyang sikreto upang makamit ang kanyang seksing pigura.
Sa mga litratong ibinahagi ng host ng programang “Rated K” kung saan kapansin-pansin ang mas balingkinitan nitong pangangatawan.
READ: Korina Sanchez to adopter of baby Chow Chow: ‘Ayaw namin siyang gawing palahian o negosyo’
Ayon kay Korina, nakapagbawas siya ng 11 pounds nitong nakaraang dalawang buwan dahil binabantayan niya ang kanyang kinakain at sinisigurado niyang siya ay may sapat na ehersiyo.
Dagdag pa ni Korina, hindi lumalagbas sa labinlimang gramo ng carbohydrates ang kanyang kinakain sa isang araw.
Sinasabayan niya pa umano ito ng paglangoy at pagbubuhat ng weights upang mas mabilis ang kanyang pagpapayat.
“Just to report to you: from 118 days since day one of lockdown on March 17. 121 lbs pre-COVID, down to 110 lbs in 2 months. And I've been able to MAINTAIN (that’s the REAL challenge). 20-50g carbs daily ONLY. Swimming. 5 lb weights. Kaya mo rin yan,” saad ni Korina.
Tingnan ang kanyang larawan sa ibaba:
Sa kasalukuyan, si Korina Sanchez ay limampu't-limang taong gulang na.
Samantala, busy naman ngayon si Korina sa pag-aalaga ng kanyang mga anak na sina Pepe at Pilar.
READ: Korina Sanchez-Roxas, ipinamigay ang mga lumang damit nina Pepe at Pilar
Isa ang programa ni Korina Sanchez na Rated K sa mga naapektuhan ng tuluyang di pag-ere muli ng ABS-CBN.
Bagama’t tumigil na ang pagbuo ng mga panibagong episodes, patuloy pa rin itong mapapanood sa Rated Klasiks ng Rated K Digital sa Kapamilya Online Live.