• Home
  • Fresh Scoops
  • Melissa Ricks, engaged na. Tingnan ang mga pasilip na litrato mula sa gabi ng proposal dito.

TINGNAN: Melissa Ricks, emosyonal sa kanyang engagement

Melissa Ricks, engaged na. Tingnan ang mga pasilip na litrato mula sa gabi ng proposal dito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/31/2020 01:33 PM
TINGNAN: Melissa Ricks, emosyonal sa kanyang engagement
Photo credit: @niceprintphoto on Instagram

Engaged na ang aktres na si Melissa Ricks sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael. Ito ay nakumpirma nitong Sabado, Agosto 29, ng gabi nang magpost ang Nice Print Photo ng ilang litrato sa kanilang Instagram page. 

 


 
"And she said YES! 💍💍💍💍Congratulations @mellyricks09 and Michael ❤️❤️❤️❤️ Love is in the air! #SheSaidYes," caption ng Nice Print Photo sa isang post ng dalawa habang pinapakita ni Melissa ang kanyang singsing. 

 

 

Samantala, sa isa pang Nice Print Photo post ay nakalagay naman, "Beautiful sweet wedding proposal tonight for @mellyricks09 carefully planned and prepared by fiancé Michael 💍💍💍💍 @gideonhermosa #gideonized set up." 

Ngayong Linggo naman, Agosto 30, ay nagpost na si Melissa sa kanyang Instagram account. Makikitang emosyonal ang aktres sa litrato. Caption niya rito, "“I will guide you along the best pathway for your life. I will advise you and watch over you. ~Psalms 32:8.💍🙏." 

 

 

Nobyembre last year nang mapabalita si Melissa at ang kanyang non-showbiz boyfriend nang batiin niya ito sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang Instagram post. 

“Happy happy Birthday my Love!!! You are my answered prayer. Thank you for showing me how love is supposed to be, for taking care of us and I can’t wait to see what the future holds. 

“I hope and pray that all of your hopes, prayers and dreams come true, that you find peace, happiness and success in all you do. Basta ako, I’ll be right beside you," caption ni Melissa sa photo nila kasama ang anak niyang si Kiera. 

 

 

Bagama't hindi pinangalanan o tinag sa post ang kanyang boyfriend ay bumati naman sa comments section ang mga celebrity friends niya na sina Jenny Miller and Eian Rances. 

BASAHIN: ‘You are my answered prayer’: Melissa Ricks pens sweet message for boyfriend

Nakilala ang aktres na si Melissa Ricks nang sumali ito sa kauna-unahang edisyon ng Star Circle Quest noong 2004. May isa siyang anak na nagngangalang Kiera sa dating boyfriend na si Charles Togezaki, isang chef and businessman.