Amy Perez, nagpaabot ng pagbati sa bagong yugto sa karera ni Anthony Taberna

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/31/2020 06:37 PM
Amy Perez, nagpaabot ng pagbati sa bagong yugto sa karera ni Anthony Taberna
Photo credit: @amypcastillo IG

Bittersweet ngayon ang tema ng mga social media post ng mga empleyado ng ABS-CBN sa tuluyan na pamamaalam ng ilan sa mga programa ng Kapamilya network.

Kasunod ito ng pagliit ng operasyon ng ABS-CBN Corporation na dahilan para magbawas na rin ng mga empleyado ang network at maipagpatuloy pa ang operasyon nito sa digital platform.

Sa post ni T’yang Amy Perez, ramdam ang magkahalong emosyon sa naging pagbati para sa panibagong yugto sa karera ng kaibigan at kasamahan sa Umagang Kay Ganda na si Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna.


“I will miss working with you Besplen @iamtunying28 pero happy ako sa new journey nyo ni @itsmegerryb Congratulations!” post ni Amy sa Instagram.

 

 

 

Isa lang si Ka Tunying sa mga tuluyan ng namaalam sa ABS-CBN at bahagi na ngayon ng DZRH kung saan makakasama niya ang ka tandem na radio host na si Gerry Baja.

Bukod kay Ka Tunying, ilang radio and TV personalities na rin ang namaalam sa ABS-CBN kasunod ng pagtigil ng operasyon nito sa free TV at radio frequency.

Sa ngayon, patuloy pa rin na mapapanood ang ilan pang programa ng ABS-CBN sa digital platforms nito tulad ng Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel sa Cable TV.