• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ngayon si Jessy Mendiola sa mga kapamilya stars na mapapanood na sa ibang network kasunod ng franchise denial ng ABS-CBN.

‘Si Mr. M yung bukod tanging naniwala sa akin’: Jessy Mendiola, handa na sa panibagong simula sa karera

Isa ngayon si Jessy Mendiola sa mga kapamilya stars na mapapanood na sa ibang network kasunod ng franchise denial ng ABS-CBN.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/30/2020 03:35 PM
‘Si Mr. M yung bukod tanging naniwala sa akin’: Jessy Mendiola, handa na sa panibagong simula sa karera
Photo credit: @senorita_jessy IG

Kasunod ng franchise denial ng ABS-CBN, ilang Kapamilya artists ang tumawid na sa bakuran ng ibang network.

Kabilang na dito si Jessy Mendiola na mapapanood sa isang fitness show program sa TV5.

Sa exclusive interview ng Cinema News, ibinahagi ni Jessy ang tulong at guidance na ibinahagi ng Star Magic sa kaniyang karera bilang isang aktres.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Star Magic started everything for me. Si Mr. M yung bukod tanging naniwala sa akin nung wala akong confidence sa sarili ko and siyempre until now malaki pa din respeto ko sa kanila kahit wala na ako sa kanila nung 2019 pa,” tugon ni Jessy sa panayam ng Cinema News.

Aniya, sa kabila ng kaniyang pag-lisan sa talent arm ng ABS-CBN, hindi nagkulang si Mr. M (Johnny Manahan) at Mariole Alberto sa pag-gabay sa kanilang mga talent ng Star Magic.

Even si tita Mariole hindi nakakalimutan na kumustahin ako. Recently nagtext siya sakin asking kung kumusta ako ngayon sa lahat ng nangyayari. I’m very glad that Star Magic decided to open other opportunities for their artists,” proud na kuwento ni Jessy.

Patuloy pa ni Jessy: “Yun naman talaga ang ‘Magic’ ng Star Magic. They never burn bridges at kahit wala ka na sa bakod nila, andon pa din yung concern nila sayo.”

Nagbigay pahayag rin si Jessy sa naging plano ni Mr M. na mapanood na sa ibang network ang ilan sa mga kilalang Star Magic talent unang ipagpatuloy pa nila ang kanilang karera bilang mga aktor at aktres.

I guess they need to open doors for their artists right now especially after what happened. Kailangan talaga ng trabaho ngayon and the main goal is to survive. Praying pa din for things to get better,” pahayag pa ni Jessy.