• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa handa si McCoy de Leon na tumanggap ng role sa isang series.

McCoy de Leon, no to BL at iba pa

Hindi pa handa si McCoy de Leon na tumanggap ng role sa isang series.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/30/2020 04:03 PM
McCoy de Leon, no to BL at iba pa
Photo credit: @mccoydeleon IG

Hindi handa ang dating Star Magic artist na ngayon ay talent na ng Viva na si McCoy de Leon na sumabak sa paggawa ng BL (Boy Love) series. Ito ang kanyang inamin sa virtual mediacon na ginanap last Friday, August 28.

Ayon sa binata, kahit nauuso ngayon ang mga BL series ay hindi pa niya nakikita ang sarili na gumagawa ng ganitong proyekto.

Actually, dati pa meron na ring na-offer sa akin ng ganyan, before pa mag-quarantine and during quarantine. Siguro sa akin, hindi ko muna naisip, eh.


“Kasi parang… hindi pa po siguro ngayon, pero siguro in time. Kung gagawin ko man yon gusto ko yung ramdam ko at gusto ko na talaga, pero ngayon hindi ko pa naman naisip,” katwiran ni McCoy.

Ang gusto raw kasi niya, if ever na gagawa siya ng BL project ay yung talagang handa na siya at walang magiging limitasyon.

“Pag ready na ako na gumawa ng ganun, na sabi ko nga in time, walang magiging limitations yon kung saka-sakali. Kasi kung merong limitation, eh, masisira ang istorya, masisira yung flow ng kung anuman yung dapat mangyari sa sa series kung merong ganun. Pero in time yon at hindi pa siguro ngayon,” pagdidiin pa niya.

Sa pagpirma ni McCoy sa Viva ay isa lang ang kanyang goal at yon ay ang umarte na isasabay daw niya sa kanyang online schooling.

“Basta ngayon ang gusto ko lang ay makagawa ng pelikula at umarte. Masaya na ako na umaakting. Kumbaga, habang nag-i-school ako gusto ko lang ma-ano rin yung craft ko, nando’n ako sa ganung point,” wika pa niya.

Hangad din daw niya na makagawa ng pelikulang matatawag na obra na maipagmamalaki niya balang araw.

“Pagdating naman sa pag-aaral, siguro mababawasan yung unit na makukuha ko. Hanggang ngayong pandemic ma-assure ko kasi online schooling, eh. Pag gusto naman may paraan.

“Pag meron na yung face to face na class, kung kaya kong umatend gagawin ko pero bahala na si God kung anong mangyayari basta ando’n yung heart ko pa din, na makatapos at magkaroon ng degree,” deklara pa niya.

Sa tanong kung kaya din ba niyang maging daring sa mga projects na gagawin niya tulad nina Marco Gumabao at Diego Loyzaga na Viva contract stars na rin ay biglang napangiti si McCoy.

Reaksyon niya, “Hindi po maganda ang katawan ko. Hindi rin ako sexy. Hahaha!”

“Hindi naman agad-agad na meron akong bagong maipapakita dito sa Viva. Wala pa naman kasi talaga kaming napapag-usapan. Nasa stage pa lang din kami na ie-explore nila kung ano yung kaya ko at puwede ko pang gawin and at the same time ini-explore ko pa din sa sarili ko kung ano yon,” huling pahayag ng Hashtag member.