• Home
  • Fresh Scoops
  • Nawalan umano si Sharon Cuneta ng maraming proyekto ngayong pandemya.

‘I’m selling properties’: Sharon Cuneta, inaming nagbebenta ng mga ari-arian dahil sa kawalan ng proyekto

Nawalan umano si Sharon Cuneta ng maraming proyekto ngayong pandemya.

BY
-- Choose an Author --

FRESH SCOOPS

08/30/2020 04:16 PM
‘I’m selling properties’: Sharon Cuneta, inaming nagbebenta ng mga ari-arian dahil sa kawalan ng proyekto
Screenshot from Sharon Cuneta Network YT Channel

Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nagbebenta na siya ng mga ari-arian dahil sa kawalan ng trabaho dulot ng pandemya. 

Sa kanyang pinakabagong vlog sa The Sharon Cuneta Network, ikinuwento muna ni Megastar kung bakit niya nakahiligan ang pangongolekta ng mga bagay na aniya’y tumataas ang halaga sa paglipas ng panahon gaya ng mga relo at alahas. 

“I have a vast collection because I’ve worked hard for everything I have. And I like things that appreciate in value. I don’t buy expensive cars because they depreciate. My father collected cars and watches. Namana ko ‘yung love niya for watches. My mom loved jewelry. And I love jewelry because I have daughters, too and pang-investment saken ‘yun eh,” kuwento ni Sharon.

Dagdag pa ni Sharon, isa pa sa mga kinahihiligan niya ang mga real estate o mga bahay at lupa dahil nakatulong umano ito kanya lalo na sa mga panahong naghihirap siya. 

I love real estate because that’s what I learned from my dad and it has helped me get through tough times,” aniya. 

Pag-amin ni Sharon, walong buwan na siyang walang trabaho dahil sa sunod-sunod na pagkansela ng iba’t-ibang proyekto gaya ng pelikula, concert, at mga corporate shows. 

Like wala akong trabaho ng walong buwan na. I lost two concert tours, one with Regine and one in Australia by myself. This year, I would’ve been shooting my third movie by this time for the year kung hindi nagka-COVID. At meron akong corporate shows na sunod-sunod. Mga lima yata naka-lineup na hindi natuloy. Ang dami na po nawala,” ani Sharon. 

READ: Pangarap ni Sharon Cuneta na bumili ng kastilyo sa Europa, naantala dahil sa COVID-19

Pagbabahagi ni Sharon, buti na lang ay nakabenta siya ng property bago magtapos ang 2019 at ngayon ay tuloy-tuloy pa umano siya sa pagbebenta ng mga ari-arian. 

“Pero sa awa ng Diyos, I was able to sell real estate just before last year ended and that is why I’m okay and nakakatulong. And I’m selling properties,” kuwento ni Sharon.

READ: ‘It is my paraiso’: Sharon Cuneta wants to buy back the home she grew up in

Aminado naman si Sharon na mahal niya ang pera ngunit hindi umano ito umabot sa puntong ginagawa na niyang Diyos ang salapi. 

“‘Yan ang ganda ng pag-iinvest. Kasi alam ko kung kelan ako pwede gumastos para ma-enjoy ko ‘yung pera because I don’t like money to rule me. I like to enjoy money. And I love money. You know why? Because I am the master of my money. Money is not my master. It never will be,” saad niya. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Sharon na may ipinapatayo na siyang bagong bahay.

PANOORIN: Sharon Cuneta, nagbigay pasilip sa ipinapatayong bahay

Kasalukuyang nakatira si Sharon ngayon sa isang condo.