• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy sa kaniyang advocacy bilang ambassador ng National Commission for Culture and the Arts si Catriona Gray.

Catriona Gray, kinilala bilang ‘adopted illustrious daughter of Laguna’

Tuloy sa kaniyang advocacy bilang ambassador ng National Commission for Culture and the Arts si Catriona Gray.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/30/2020 11:35 AM
Catriona Gray, kinilala bilang ‘adopted illustrious daughter of Laguna’

Dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagsulong ng local textile, kinilala ngayon bilang Adopted illustrious Daughter of Laguna si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sa Instagram fan account ng 2018 Miss Universe na Catriona Universe, ibinahagi dito ang ilan sa mga retrato ng naging pag bisita ni Catriona sa Municipality of Laguna.

Suot ang embroidered barong inspired top at hand sewed pants, angat na angat ang ganda ni. Catriona sa kaniyang naging pagbisita sa Sanguniang Panlalawigan ng Laguna na kilala sa sa kanilang husay sa pananahi gamit ang local textile materials.

Nakipag-bonding rin ang 2018 Miss Universe at nilibot rin ang lalawigan suot ang locally-made baro't saya inspired pink blouse, na sadyang ginawa para sa kaniya.

Sa kanya ring Instagram post, ibinahagi ni Cat ang kanyang naging pagpunta sa Laguna at mga plano sa kanyang Raise Your Flag project. 

"Raise Your Flag LAGUNA!! Back at the beginning of the year, my team and I had planned trips to the regions of Philippines to further highlight and showcase our Filipino culture. But with how the first half of this year unfolded, that was just not possible. Now, with so much of the community feeling the effects of the pandemic, I feel that my #RaiseYourFlag series has an even bigger purpose," lahad niya.    

Isa ang 2018 Miss Universe sa mga ambassador ng National Commission for Culture and the Arts dahil sa kaniyang naging kontribusyon sa pagsusulong ng locally-made textiles sa International stage noong 2018, kung saan kinoronahan siya bilang Miss Universe sa Bangkok, Thailand.