• Home
  • Fresh Scoops
  • May mga batas na nais ipasa ni Kris Aquino kung magiging president siya.

Kris Aquino gustong maging presidente ng Pilipinas

May mga batas na nais ipasa ni Kris Aquino kung magiging president siya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/03/2020 09:14 AM
Kris Aquino gustong maging presidente ng Pilipinas
Photo Credit: @krisaquino Instagram

Gusto ni Kris Aquino na maging presidente ng Pilipinas! Ito ang kanyang sagot sa tanong kung sinong tao o personalidad ang gusto niyang maging for one day.

“I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me.  For one day, I want to be President – on the day na ira-ratify na magkakaroon ng divorce sa Philippines, para pirmahan,” pahayag ni Kris.

Ano ang dahilan bakit gusto niyang maging presidente ng bansa? 


Sagot ni Kris, “My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive.”

Patuloy ng actress-TV host, “I believe that women and men should have equal rights about this. I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayong-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage.  Pero ang divorce… sa sagot kong ‘yan, ha, alam niyo na!

“Hindi ako tatakbo for anything in 2022! Pero ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit na sino man, ‘yung proseso ng pagpapa-annul. Kasi, puwede naman talaga ang divorce. And separation naman talaga ‘yan, eh, of church and state.”

When asked kung kumusta na ang kanyang love life, ang reaksyon niya, “habang nabubuhay, huwag mawalan ng pag-asa. ‘Yun lang ang sagot ko.  Hahaha!”

Matipid naman ang naging pahayag ni Kris sa relasyon ng ex-husband niyang si James Yap at sa Italian partner nito na si Michela Cazzola na nauwi rin sa hiwalayan.

“Maybe, I have a new belief system. Something that’s no longer involves me, I should never comment about. Because what’s part of my past should remain in my past, and what does not affect my life now, I should shut up about,” paiwas niyang komento.

Ano ba ang pinaka-maipagmamalaki niyang nagawa sa buhay at ano naman ang isang bagay na ginawa niya na kanyang pinagsisihan?

“Ang pinaka-proud ako is that, hindi ako umasa lang. Puwede kong sabihin talaga na, I sent myself through school. Ang buong college education ko, ako’ng nagbayad no’n. Yes!

“Kasi, I wanted to prove to my mom na nu’ng pinayagan niya ako, hindi na niya ako kailangang bigyan ng allowance. At hindi niya ako kailangan na I could be a working student.

“My biggest regret was that I worked on Saturday nights, and I could have actually said no to those days, and join my mom para magsimba kami.  So, doon ako nagsisisi. Kasi, sana, nabigay ko ‘yun, kahit ‘yun lang,  sana, nabigay ko ‘yon sa kanya.

“Sa mga sinabi ko… Impulsive ako, eh.  So, ngayon ako natuto na there are things that are better left unsaid.  And now, I’m learning,” huling pahayag ni Kris.