• Home
  • Fresh Scoops
  • Proud na ibinahagi ni Amy Schumer na nagsisilbing cameraman din sa Emmy-nominated show niyang “Amy Learns To Cook” ang Pinay nanny ng kanyang anak na si Gene.

Hollywood star na si Amy Schumer, pinasalamatan ang Pinay nanny sa nasungkit na Emmy nomination

Proud na ibinahagi ni Amy Schumer na nagsisilbing cameraman din sa Emmy-nominated show niyang “Amy Learns To Cook” ang Pinay nanny ng kanyang anak na si Gene.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/03/2020 12:18 PM
Hollywood star na si Amy Schumer, pinasalamatan ang Pinay nanny sa nasungkit na Emmy nomination
Photo Credit: @amyschumer Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, ang nanny ng sikat na Hollywood star na si Amy Schumer ay isang Pinay.

Nang malaman na isa sa mga nominado sa paparating 72nd Emmy Awards ang kanyang programa sa The Food Network na Amy Schumer Learns To Cook, agad na nag-post ang komedyante sa Instagram upang bigyan ng pagpupugay at pasasalamat ang taong tinuturing niyang higit pa sa isang nanny. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We got got nominated for an Emmy today (Chris too. But mostly us) #amyschumerlearnstocook

A post shared by @ amyschumer on

 

Sa isang episode ng nasabing programa, nabigyan ng pagkakataon na mapipakilala si Jane — kung saan siya nagsisilbing cameraman — sa mga manonood ng programang kinukuhanan pa sa bahay ni Amy Schumer sa Martha’s Vineyard. 

Ani ng komedyante: “I’m a movie star. Jane says they know me in the Philippines. Jane let’s talk about… you said they know me in the Philippines, right?”

Sagot naman ni Jane: “They know a lot about you… how beautiful you are.”

Agad naman itong pinabulaanan ni Amy at sinabing: “What? Me? You’re beautiful! I’m a hag.”

Sabi pa ni Jane: “You inspire a lot of women in my country…”

Pabirong dagdag naman ni Amy: “And some special men.”

Makikita sa ibang posts ni Amy na madalas niya itong kasama hindi lang sa mga importanteng ganap niya sa buhay kundi maging sa mga simpleng bonding moments gaya ng pamper time kung saan sabay silang nagsusuot ng beauty masks. 

Ayon kay Amy, si Jane ang dahilan kung bakit nagagawa niyang makapagtrabaho ng payapa na kampanteng masaya at malusog ang kanyang anak na si Gene. 

“This is our nanny who makes it possible for me to work and know that our baby is happy and healthy. I love her very much and we also both want to have nice skin,” saad ni Amy sa isa sa kanyang mga Instagram posts. 

 

 

Isang full-time student naman si Jane na sa ngayon ay hindi pa rin nabubunyag ang apelyido. 

Co-host naman ni Amy sa Emmy-nominated show ang kanyang asawa na si Chris Fischer.

Samantala, kilala naman si Amy Schumer sa knayang mga pelikula gaya ng Snatched, Trainwreck, at I Feel Pretty.

Nagsilbi ding boses sa iba’t-ibang karakter sa telebisyon si Amy gaya ng BoJack Horseman, The Simpsons, at Family Guy.