• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinakita ni Alice sa unang pagkakataon ang kanyang bahay na matatagpuan sa isla ng Boracay.

Alice Dixson, ipinasilip ang pagmamay-aring bahay sa isla ng Boracay

Ipinakita ni Alice sa unang pagkakataon ang kanyang bahay na matatagpuan sa isla ng Boracay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/03/2020 03:55 PM
Alice Dixson, ipinasilip ang pagmamay-aring bahay sa isla ng Boracay

Sa unang pagkakataon, binuksan ni Alice Dixson ang mga pintuan ng kanyang bahay na matatagpuan sa isla ng Boracay. 

Bagama’t nagdadalawang-isip siyang ipakita ang kanyang bahay noong una, napagtanto ni Alice na matagal na itong kahilingan ng kanyang mga taga-suporta. Dahil dito, napag-desisyunan niyang ituloy ito. 

“I’ve been a little reluctant, but that’s okay. This request has been ongoing for a few years now. But you’re in luck. I actually split my time between Boracay and Manila and this weekend, I’m in Boracay and I’m gonna tour you around my place here on the island,” saad ni Alice bago simulan ang kanyang exclusive house tour. 


Una munang ipinasilip ni Alice ang kanyang garahe kung saan makikita ang motorsiklong kanyang ginagamit upang maglibot sa isla. 

Sunod naman nitong ipinakita ang swimming pool sa labas ng kanyang bahay kung saan madalas niyang ini-enjoy ang mainit na tubig habang nakababad sa arawan. 

Ipinasilip din ni Alice ang loob ng bahay kung saan may master’s bedroom, guest room, kusina, at balkonahe na tanaw ang mala-paraisong tanawin ng isla ng Boracay. 

Hindi ito ang unang beses na inilibot ni Alice ang kanyang fans sa kanyang mga ari-arian. Matatandaang noong nakaraang Hunyo ay ipinakita ng beteranang aktres sa isa sa kanyang mga vlogs ang kanyang farm at beach property na matatagpuan sa bayan ng Buenavista sa probinsya ng Quezon. 

“This trip, we’re visiting my parents’ province here in Quezon and a lot of the people that you’ll be seeing in this video are in some way related to us because my grandparents settled here in Quezon a hundred years ago,” saad ni Alice. 

Dagdag pa niya: “So, I just want to revisit the place, see what we can do if ever to revitalize the farm or the beach property. It’s so beautiful here. It’s only — with the new road — about four and a half hours away.”

WATCH: Alice Dixson gives a tour of her farm and beach property in Quezon

“My dream is to build a house there at the top of the hill. That’s my dream. So let’s see what we can do with our provincial property,” ani Alice.