• Home
  • Fresh Scoops
  • Five months nang magkasintahan ngayon ang mga singer na sina Brian Gazmen at Elha Nympha.

Exclusive: Brian Gazmen, ibinahagi ang love story nila ni Elha Nympha

Five months nang magkasintahan ngayon ang mga singer na sina Brian Gazmen at Elha Nympha.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/29/2020 08:55 AM
Exclusive: Brian Gazmen, ibinahagi ang love story nila ni Elha Nympha

Masayang masaya ngayon ang estado ng puso ng young singer na si Brian Gazmen.

Ang Star Music recording artist ang boyfriend ng The Voice Kids season 2 champion na si Elha Nympha, at inamin nila ang kanilang relasyon kamakailan sa pamamagitan ng kanilang social media.

READ: Elha Nympha, may boyfriend na


Sa ating panayam, ikinuwento ni Brian kung paano sila unang nagkakilala ni Elha, na five months na niyang girlfriend ngayon.

“Nagkakilala po kami sa ‘Magandang Buhay’ set po, since Feb 14 po iyon. I was surprising my friends and manager since Valentines po iyon. Coincidence po that Elha was also there. Nung una po nagtitinginan kami because we don’t know how to approach each other hanggang sa inapproach na niya ako and formally introduced herself to me and that made me smile. Then it all started there,” kuwento niya.

Aniya, dahil sa connection nila sa isa’t isa, madali para kay Brian at Elha na magkagustuhan.

“Ang nagustuhan ko po sa kanya is that she would make you feel all her love for you. She is selfless, independent, smart and beautiful. She just makes me smile every single day,” ani Brian.

Dito, inamin ni Brian na hindi naging matagal ang ligawan stage nila ni Elha at madali silang nagkapalagayan ng loob.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. ♥️ I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person. Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, ok Lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile. you are amazing baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby ♥️♥️♥️ I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile ☺️

A post shared by Brian Gazmen (@brian_gazmen) on

 

“Niligawan ko po siya for a month pero sa tingin ko po hindi po basehan kung gaano katagal ang panliligaw. All I know is sobrang saya ko po nung sinagot niya po ako, hindi ko po ma-explain ang saya ko po nun,” aniya pa.

At ngayong panahon ng quarantine dahil na rin sa COVID-19, ibang style rin ng pagpapakilig ang iniisip niya para mapangiti si Elha.

“Kasi every single day she makes me smile, hearing her voice and video calling her already makes my day complete. Honestly po, hindi po hindrance and pandemic sa aming dalawa. Kasi kung mahal mo yung tao, walang makakapagpigil sa 'yo para mapasaya mo and taong mahal mo.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🥰

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial) on

 

“I surprise her from time to time, I gave her flowers and a gift for our monthsary pero it is not about that, it is the thought that counts. Mahal ko po siya, I just like her to smile every single day, seeing her smile is enough for me already,” sabi pa ni Brian.

Dahil kapwa singer, hindi rin daw imposible na mag-collaborate sina Brian at Elha para sa isang awitin.

“Well I made her three songs already pero our theme song is 'Shallow' by Bradley Cooper and Lady Gaga since we always sing it together, I think singing it made us bond more. Well, we are still planning to collab together, hopefully, in the future, it would push through,” pahayag pa ng singer.