• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez, going strong pa din ang relasyon sa Israeli-French boyfriend.

Ruffa Gutierrez, hindi handang magpakasal muli

Ruffa Gutierrez, going strong pa din ang relasyon sa Israeli-French boyfriend.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/29/2020 12:45 AM
Ruffa Gutierrez, hindi handang magpakasal muli
Photo Credit: @iloveruffag Instagram

Sa online tsikahan ng magkakaibigang Carmina Villarroel, Aiko Melendez, at Ruffa Gutierrez last Saturday, August 22, ay itinanggi ni Ruffa ang balitang hiwalay na sila ng Israeli-French boyfriend niyang si Jourdan Mouyal.

Meron kasing tsika na nag-break na sila pero it turned out na hindi naman pala. Sa diretsahang tanong ni Carmina sa kaibigan kung ito pa rin ba ang BF niya ngayon, ang sagot ni Ruffa, “’yun pa rin, na ayaw pa rin ng nanay ko.”

Tinanong din siya ni Carmina kung may balak ba silang magpakasal ni Jourdan at ayon kay Ruffa ay wala raw.


“Ako naman kasi, I’ve already experienced it and that’s fine and that’s great. Siguro magpapa-birthday na lang ako every year,” sagot niya na natatawa.

Mas gugustuhin na lang daw niyang magsuot ng white every year sa birthday niya at iimbitahan niya ang mga kaibigan niya.

Pangungulit pa ni Carmina, paano raw kung mag-propose ang boyfriend sa kanya.

Sagot ni Ruffa, “Siguro, hindi pa ako ready. Alam mo kasi, iba na ang pananaw ko. I mean, this can be agreeable to other people or not, pero siguro, for me, parang mas type ko na ‘yung ganitong set-up,” katwiran ng former beauty queen at Love Thy Woman star.

Samantala, matatandaan na ang napangasawa ni Carmina na si Zoren Legaspi ay naging kasintahan noon ni Ruffa. Pero hindi naman nagkaroon ng overlapping dahil matagal nang break sina Ruffa at Zoren nung magkaroon ng relasyon sina Carmina at ang aktor.

Pare-pareho ring Regal babies sina Ruffa, Carmina at Aiko na nagkasama sa pelikulang Underage 2.