Richard Gomez at Lucy Torres, bibida sa isang short film?

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/28/2020 09:41 PM
Richard Gomez at Lucy Torres, bibida sa isang short film?

Palaisipan ngayon ang naging Facebook post ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na isang movie poster.

Makikita sa sa poster ang pangalan ni Goma kasama ang pangalan ng kanyang misis na si Lucy Torres.

“Alone With You” caption ni Goma sa post. Inilarawan rin ng actor politician na isa itong “Short Film”.


 

FINAL POSTER "Alone With You" A Short Film

Posted by Mayor Richard Gomez on Thursday, August 27, 2020

 

Makikita rin sa poster ng tila short film ni Richard at Lucy ang magandang tanawin ng Ormoc kung saan sila kapwa naka base ngayon bilang mga public servant.

Kung matutuloy, hindi ito ang unang pagkakataon na nagsama sa isang proyekto si Richard at Lucy. Matatandaan na taong 1998 hanggang 2001 umere sa ABS-CBN ang sitcom na Richard Loves Lucy kung saan naibida ang kanilang real life love story.

Taong 2018 naman ng huling napanood si Richard sa big screen para sa pelikulang Three Words To Forever with Sharon Cuneta and Kathryn Bernardo.

Sa ngayon, looking forward ang mga fans ni Goma sa para kanyang bagong project kasama ang kanyang misis.