• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa isang interview ni Pauleen Luna sinabi rin nito na ayaw pa niyang sundan ang anak na si Talitha.

Pauleen Luna, kasuhan kaya ang basher ng anak?

Sa isang interview ni Pauleen Luna sinabi rin nito na ayaw pa niyang sundan ang anak na si Talitha.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/28/2020 09:32 PM
Pauleen Luna, kasuhan kaya ang basher ng anak?
Photo Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Nilait ng isang netizen ang itsura ng anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha. Ang ginawa ng basher ay maituturing na cyberbullying.

Nung una ay ayaw mag-apologize ng basher sa ginawa nito sa bata. Mas okay pa raw sa kanya ang makulong kesa mag-apologize. Pero eventually, bumigay na rin ito at humingi ng apology kay Pauleen at kay Vic.

READ: How Vic Sotto, Pauleen Luna celebrated daughter Tali’s second birthday


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My life ❤️

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

 

Malas na lang ng basher kasi tila walang balak si Pauleen na tanggapin ang kanyang apology. May mga nag-uudyok din kay Pauleen na kasuhan ng cyberbullying ang basher para magtanda ito at matuto na hindi dapat nilalait ang sinoman lalo na ang mga batang walang kamalay-malay.

Sa interbyu ni Pauleen sa DZRH ay inamin ng actress/TV host na gusto na nilang sundan si Talitha. Kaya lang, medyo may takot siya lalo na sa sitwasyon ngayon na may pandemya dahil sa COVID-19.

Ganito rin ang pag-aalala nila sa anak ni Vic na si Paulina na malapit nang manganak.

“The daughter of Vic is about to give birth anytime. Grabe din yung pangamba, kasi iba na rin yung protocol ngayon sa hospital. You have to give birth alone. Hindi ka puwedeng samahan ng asawa mo na manganak.

“Mahirap. Everyone has to do the swab test and all. Nakakatakot,” lahad pa niya.

Okay na rin naman daw kahit hindi masundan si Talitha kung talagang ganun ang kanilang magiging kapalaran. Napakalambing daw ng kanilang panganay at sapat na rin ito sa kanilang mag-asawa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy tuesday 🥰

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

 

“Malambing naman talaga ‘’tong batang ito. You know, she’s very fair. Mag-kiss siya sa Mommy niya, magki-kiss din siya sa daddy niya. Kung mag-I love you siya kay daddy, kailangan mag-I love you din siya kay mommy. Nakakatuwa siya,” kuwento pa ni Pauleen.