• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkaroon umano ng epekto ang mga nakansela niyang proyekto sa kaniyang pangarap na bumili ng isang kastilyo sa Europa.

Pangarap ni Sharon Cuneta na bumili ng kastilyo sa Europa, naantala dahil sa COVID-19

Nagkaroon umano ng epekto ang mga nakansela niyang proyekto sa kaniyang pangarap na bumili ng isang kastilyo sa Europa.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/28/2020 04:44 PM
Pangarap ni Sharon Cuneta na bumili ng kastilyo sa Europa, naantala dahil sa COVID-19

Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta na hindi muna matutuloy ang kaniyang pagtira sa isang kastilyo sa Europa dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

 







View this post on Instagram







 

I need to go back to work while I still can. Laging Kapamilya❤️💚💙. Pero kailangan na isipin ang pamilya at ang konting panahon na meron pa ako bago magretire... (photo taken during shooting of “Three Words To Forever.” Ormoc City. 2018.) @nsyshows @ralig @angelsyang


A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on 

 

Sa Instagram, ibinahagi ni Sharon ang mga litrato ng iba’t-ibang kastilyo na matatagpuan sa Europa. Ani Sharon, totoong ibenebenta ang mga ito sa Europa.

Pagbabahagi ni Sharon, mabibili sana niya ang isa sa mga ito kung natuloy ang mga nakalinya niyang proyekto ngayong taon. Sa kasamaang palad, naantala ang kanyang pangarap dahil sa pandemya.

‘It is my paraiso’: Sharon Cuneta wants to buy back the home she grew up in

“Eto noon pa ang pangarap ko. Totoong for sale ang mga ito sa Europe. Kasi ilang taon ko nang joke sa mga anak ko na pag may mga anak na sila, kikidnapin ko mga apo ko at kami na lang ang magkakasama! Di malalaman ng mga anak ko saan ang castle namin! Hahaha! Sa ngayon, pangarap lang. Mahal eh! Buisit talaga na COVID ito. Kung natuloy lang lahat ng trabaho ko sa 2020 may chance pa sana,” kuwento ni Sharon.

 







View this post on Instagram







 

Episode 1 is up on The Sharon Cuneta Network on YouTube! Title: In the time of Covid-19, let's remember to be safe and be kind. Praying for my Sharonians and every one of you that you all stay safe and healthy. We will get through this and I ask you to please remember to be kind. Now, more than ever, kindness and love in the world is what we need the most ❤

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on 

 

Dagdag pa niya, pinagtutuunan niya ng pansin ang gastusin para sa pagpapagawa ng bago nilang bahay.

PANOORIN: Sharon Cuneta, nagbigay pasilip sa ipinapatayong bahay

"Eh papagawa pa kami bahay dito sa ngayon. Kundi lang sa mga anak ko wala na akong bahay dito condo na lang. Haaayy...Love nila ang Westgrove eh. Para naman di sila aalis at mag-aaral sa ibang bansa. Tapos mag-aasawa. Humanda sila. Kikidnapin ko lahat ng apo ko! Si Miguel lang kasabwat ko sa lahat eh. Kahit san ko gusto pumunta sasama daw sya. Hahaha! My baby boy,” ani Sharon.

Tingnan ang ilan sa mga pinagpipiliang kastilyo na gustong bilhin ni Sharon sa ibaba:

 







View this post on Instagram







 

Eto noon pa ang pangarap ko. Totoong for sale ang mga ito sa Europe. Kasi ilang taon ko nang joke sa mga anak ko na pag may mga anak na sila, kikidnapin ko mga apo ko at kami na lang ang magkakasama! Di malalaman ng mga anak ko saan ang castle namin! Hahaha! Sa ngayon, pangarap lang. Mahal eh! Buisit talaga na COVID ito. Kung natuloy lang lahat ng trabaho ko sa 2020 may chance pa sana. Eh papagawa pa kami bahay dito sa ngayon. Kundi lang sa mga anak ko wala na akong bahay dito condo na lang. Haaayy...Love nila ang Westgrove eh. Para naman di sila aalis at mag-aaral sa ibang bansa. Tapos mag-aasawa. Humanda sila. Kikidnapin ko lahat ng apo ko! Si Miguel lang kasabwat ko sa lahat eh. Kahit san ko gusto pumunta sasama daw sya. Hahaha! My baby boy. ❤️❤️❤️

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on 

 

Kasalukuyang nakatira si Sharon sa isang condo kasama ang kaniyang pamilya.