• Home
  • Fresh Scoops
  • Patuloy na usap-usapan sa social media ang makulit at nakakatawang mga palabas ni Gardo Versoza sa patok na video-sharing app na TikTok.

Gardo Versoza, walang awat sa pagbibigay-aliw sa TikTok

Patuloy na usap-usapan sa social media ang makulit at nakakatawang mga palabas ni Gardo Versoza sa patok na video-sharing app na TikTok.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/28/2020 09:41 AM
Gardo Versoza, walang awat sa pagbibigay-aliw sa TikTok
Screenshot from gardo versoza YouTube Channel

Kilala ang aktor na si Gardo Versoza bilang isa sa mga pinakamatinik na character actor ng kanyang henerasyon.

Ngunit malayong malayo ito sa kanyang personalidad sa totoong buhay.

Patunay dito ang makulit at nakakatawang mga palabas niya sa video-sharing app na TikTok na patuloy na pinagu-usapan ng netizens.


Kabilang sa mga ito ang isang TikTok video kung saan makikita si Gardo na nagsasayaw ng “Despacito” habang naka-suot ng mataas na heels.

Sa ngayon ay umani na sa higit na 56,000 “likes” ang nasabing video dalawang linggo matapos ito unang mapanood sa kanyang YouTube channel. 

Noong Hunyo ay nag-trending din ang aktor matapos niyang magbahagi ng TikTok video kung saan makikitang nakasuot siya ng leopard boxer brief habang nagsasayaw kasama ang kanyang dancing partner at asawang si Ivy Vicencio. 

Sa panayam ng Unang Hirit noong Mayo, sinabi ni Gardo na ang kanyang asawa ang dahilan kung bakit siya unang napasabak sa Tiktok.

“Actually ako 'yung nahatak, wala akong kamalay-malay. Nananahimik ako, naglilinis ako ng bahay, nagluluto, bigla akong hinatak, may gagawin daw kami," kuwento ni Gardo.

“Akala ko naman kung ano, akala ko magpa-practice ng kung ano lang or greeting or something. Biglang sinabi meron daw ibi-video. Tapos nagulat na lang ako 'yun pala 'yung trend ngayon dahil dun sa sitwasyon natin, 'yung TikTok. And then na-enjoy niya, so ako na 'yung palagi niyang hinahatak ngayon. Ako 'yung biktima dito," natatawa pang kuwento ng aktor.

Huling napanood si Gardo bilang si Ulysses sa teleseryeng Sandugo Marso nitong taon.