• Home
  • Fresh Scoops
  • Makakalaban nila ang mga directors and actors from other Asian countries like Thailand, India, Malaysia, Taiwan and Indonesia.

Director Erik Matti and actress Angeli Bayani nominado sa First Content Asia Awards

Makakalaban nila ang mga directors and actors from other Asian countries like Thailand, India, Malaysia, Taiwan and Indonesia.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/28/2020 11:22 PM
Director Erik Matti and actress Angeli Bayani nominado sa First Content Asia Awards
Photo Credit to Reality Entertainment Facebook

Nominado sa First Content Asia Award ang director na si Erik Matti at ang aktres na si Angeli Bayani. Naging magkatrabaho ang dalawa sa Food Lore series ng HBO Asia Originals na ang title ay Island of Dreams.

Sa naturang series ay ginagampanan ni Angeli ang karakter ni Nieves na isang impoverished young mother na nagsakripisyong iwanan ang asawa (played by Yul Servo) at ang kanilang mga anak sa isla para makapagtrabaho siya sa big city.

Nominated si Erik bilang best director for the said series at si Angeli naman for best actress.


Makakalaban nila ang mga directors and actors from other Asian countries like Thailand, India, Malaysia, Taiwan and Indonesia.

Gaganapin ang awarding ceremony via live streaming on Friday, August 28, at 6:30 p.m at the JKN Global Media Auditorium in Thailand.

Trivia lang, ang CEO ng JKN Global Media na si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip ay ang transwoman na special someone ni Clint Bondad na dati namang boyfriend ni Miss Universe Catriona Gray.

Sa mga hindi pa napapanood ang Island of Dreams, you can still catch it sa HBO Go. Ipinalabas din ang Island of Dreams sa nakaraang Tokyo International Film Festival noong October of 2019.