• Home
  • Fresh Scoops
  • Dumating umano sa punto na pinapalayas na si Francine Diaz at ang kanyang pamilya sa tinitirhan nilang bahay dahil wala na silang pambayad sa upa.

‘Nalubog kami nu’n sa utang’: Francine Diaz, binalikan ang mga panahong pinapalayas sa mga inuupahang bahay

Dumating umano sa punto na pinapalayas na si Francine Diaz at ang kanyang pamilya sa tinitirhan nilang bahay dahil wala na silang pambayad sa upa.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/27/2020 04:56 PM
‘Nalubog kami nu’n sa utang’: Francine Diaz, binalikan ang mga panahong pinapalayas sa mga inuupahang bahay

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay, nananatiling mapagkumbaba ang aktres na si Francine Diaz. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Mother’s Day mumeh! I love you more than 3000🥰❤️


A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz) on

 

Bagama’t kilala sa pagiging isa sa mga sikat na artista ng kanyang henerasyon, dumaan muna sa maraming pagsubok ng Kadenang Ginto star bago narating ang estado niya ngayon sa buhay.

Pagbabahagi ni Francine, dumating sila noon sa punto na pinapalayas na sila sa tinitirhang bahay dahil wala na silang pambayad sa upa. 

WATCH: Claudine Barretto gives ‘Kadenang Ginto’ star Francine Diaz a pair of luxury shoes

“Nalubog kami nu’n sa utang. Palagi kami napuputulan ng kuryente, ng tubig. Tapos nakailang lipat din po kami ng bahay kasi napapalayas kami. Pero hindi naman po ‘yung pinalalayas na pinalalabas kami bigla ng bahay. Kumbaga, pinapaalis kami kasi hindi na talaga kayang bayaran ‘yung renta,” ani Francine. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@gaocdental #WeWillAllSmileAgain

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz) on

 

Dagdag pa niya: “Nu’ng first year [high school] ako, wala akong libro. Wala kaming pambili ng libro nu’n. Kaya ‘yun po siguro ‘yung mga challenges na hinarap namin dati sa buhay.” 

Dahil sa sunod-sunod na pangyayaring iyon sa kanyang buhay, naisipan umano ni Francine na magtrabaho sa murang edad para matulungan ang kanyang pamilya. 

“Nu’ng mga time na ‘yun nasa isip ko kailangan ko ng trabaho, kailangan kong matulungan sina mama. Dati ko pa po talaga gusto mag-artista,” saad ni Francine. 

READ: Francine Diaz thanks everyone for birthday wishes

Kuwento pa ni Francine na nagsimula bilang extra sa mga TV commercials, ang una niyang naging proyekto ay AVP para sa isang kompanya ng kotse.

WATCH: Kyle Echarri on Francine Diaz: ‘I trust even more’

“Bata pa po kasi ako nu’n. Hindi ko alam kung magkano kinita ko. Pero ‘yung pinakaunang-unang trabaho ko po, AVP po siya ng car. Pero di ko po alam kung gaano kalaki sahod ko du’n,” ani Francine. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Once you replace negative thoughts with positive ones, you’ll start having positive results.” — Willie Nelson

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz) on

 

Isang cellphone naman na may antenna ang unang bagay na nabili ni Francine noon para sa kanyang sarili. 

“Ang natatandaan ko po nagpabili ako kay Mama ng maliit na cellphone. Tapos meron pang antenna. So may TV ‘yung cellphone ‘yun. Masaya kasi hindi ko alam na kaya ko pala kumita ng pera na pwede kong mabigay kina mama,” ani Francine. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My favorite pair to wear at home✨ @sofabph 📸: @cameron_dsaenz

A post shared by Francine Diaz (@francinesdiaz) on

 

Nang tanungin kung may mensahe siya para sa kanyang pitong taong gulang na sarili, sinabi nito na i-enjoy niya ang kanyang pagkabata. 

“Dear seven-year-old Francine, i-enjoy mo lang ang pagkabata mo. I am very proud of you dahil alam kong ganyan palang ang age mo, alom kong nagta-try ka talaga na maging better sa mga bagay na hindi ka magaling.”

Bago makilala bilang Cassie Mondragon sa Kadenang Ginto, lumabas muna si Francine sa iba’t-ibang teleserye ng Kapamilya network gaya ng Pasion de Amor, Be My Lady, I Will Survive, Ikaw Lang Ang Iibigin, at The Blood Sisters.