• Home
  • Fresh Scoops
  • Aster Amoyo kay John Regala: ‘Paano niya nabibili yung mga gamot na hindi naman prescribed sa kanya ng doctor’

Aster Amoyo, pinabulaanan ang mga paratang ni John Regala na wala itong nakuhang donasyon na pera

Aster Amoyo kay John Regala: ‘Paano niya nabibili yung mga gamot na hindi naman prescribed sa kanya ng doctor’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/27/2020 02:26 PM
Aster Amoyo, pinabulaanan ang mga paratang ni John Regala na wala itong nakuhang donasyon na pera
Photo Credit to Aster A. Amoyo Facebook

Sa interbyu ni Raffy Tulfo kay John Regala nitong August 25 sa kanyang radio program ay pinabulaanan ng aktor na nakatanggap siya ng kahit singko sa nakalap na donasyon nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo.

Sina Chuckie, Nadia, at Tita Aster ang mga kasamahan sa showbiz industry ni John na tumulong at nagmalasakit sa aktor para tulungan itong makapagpagamot sa sakit na liver cirrhosis.

Ayon kay Tita Aster, nakalista kung saan ginastos ang mga donasyong ibinigay kay John.


“Pinabulaanan ni John na ni singko ay wala umano siyang nakuha sa pondo na nagmula sa aming fundraising. Lahat ng accounting ng pondong nakolekta ng aming grupo mula sa mga nag-donate (including known personalities) with their respective names at exact amount ay nakalista, lahat ng gastusin from his hospital bills, medicines, groceries, suweldo ng caregiver at iba pang kagamitang binili for John ay nakalista.

“Except sa mga donasyon na nagmula kina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at iba pa na naka-direkta sa Metrobank account ni John at mga donasyon mula kay Raffy Tulfo na P100,000, kay Mayor Richard Gomez at kay Cong. Ronnie Ong na direktang tinanggap mismo ni John, walang control doon ang aming grupo,” paglilinaw ng veteran entertainment writer at talent manager.

Patuloy niya, “Almost P300,000 ang nakalap ng aming grupo at kasama na rito ang $1,000 na padala ng ex-wife ni John na si Au Manansala-Hunt which was P47,600. Bago siya lumabas ng pagamutan, nagpahabol pa si Cong. Ronnie Ong ng P20,000 at P10,000 mula kay FDCP chairman Liza Dino. Ang dalawa ay kaisa at nakasuporta rin sa aming grupo.

“When John was confined at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI), nasa pribadong room (with TV and refrigerator and private toilet) siya at may sariling caregiver. Ipinadala rin ng ex-wife ni John na si Au (na ka-base sa Amerika) ang dati niyang yaya na si Bem Santillan Torres para tumulong kay John at pinapadalhan din ito ni Au ng financial help.”

Si Tita Aster ang gumawa ng paraan para makausap ni John ang kanyang ex-wife at ang anak nitong si Kieffer.

“Ako ang gumawa ng paraan para ma-reach at makausap si Au sa Amerika and eventually persuaded her to convince her son na si Kieffer na kausapin ang kanyang amang si John. All the works na hindi alam ng marami.

“Kami rin ang gumawa ng paraan at nakipag-usap sa condominium management ng Iglesia ni Cristo kung saan nakatira ang actor para papasukin si Bem. Maging ang dating caregiver ni John na si Dale de Castro (na isang linggo lamang naglingkod kay John at hindi nakatagal). Isa rin si Dale sa makakapagpatunay kung ano ang tunay na ugali at pinaggagawa ng actor under his watch.

“After all the expenses (including hospital bills, medicines, etc), may natirang P115,000 which we deposited sa personal account ni John sa Metrobank at merong katibabayan (deposit slip and certification) ang aming grupo.  Our original plan was to hand the money to his second ex-wife na si Vicky Alonzo but she begged off kaya napilitan kami na ito’y i-deposit sa personal account ni John,” pagde-detalye pa ni Tita Aster.

“Siguro naman, kung hindi rin dahil sa efforts namin, baka ni isang kusing ay wala siyang kapera-pera ngayon. He even asked his first ex-wife na si Au of $200 na ibinigay naman sa kanya.

“Kahit mahina siya, he goes to the bank to withdraw money to satisfy his needs, ang mabili ang gamot which he depended on for years. Tanungin ninyo kung saan at paano niya nabibili yung mga gamot na hindi naman prescribed sa kanya ng doctor?  Bakit din walang kaanak na kasama si John ngayon?” buwelta pa niya sa character actor.

Alam ni Tita Aster at ng kanyang grupo na lalabas kung ano talaga agn totoo.

Lahad niya, “Gawin man kaming sinungaling lahat ni John, lalabas din ang totoo. Ang nakakatakot lamang ay kapag maubos na ang pera na hawak niya ngayon dahil sa ginawa naming pamamalimos para sa kanya tapos magmamakaawa siyang muli sa kanyang Facebook live para kaawaan ng publiko.

“There was also a time last May na personal kaming nagtawag ng financial help para sa kanya at isa ang actor-director na si Coco Martin sa agarang nagpadala sa kanya ng tulong.

“Never naming isinumbat ang aming ginawang tulong para kay John. But at this point in time, kailangan din naming manindigan at magsalita para malaman ng publiko ang totoo at hindi `yung kami pa ang lumalabas na masama considering na oras, pagod at kapal ng mukha ang ginawa namin na mamalimos’ para kay John.

“Sa totoo lang, kami pa ang nahihiya ngayon sa lahat ng tumulong at nag-donate para kay John dahil parang nabalewala ang  lahat.”

Taus-pusong pinasalamatan ni Tita Aster ang mga taong tumulong sa kanilang fundraising para kay John.

“Binalewala man lahat ni John ang aming efforts at tulong, nais pa rin namin ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong para sa kanya. Pati ang nagbigay ng wheelchair kay John, maraming salamat. Diyos na ang bahalang gumanti sa inyong mabubuting kalooban.

“Hindi kami nagsisi sa tulong na naibigay namin kay John  Naaawa lamang kami sa kanya na hindi niya pinahalagahan ang mga taong nagbigay ng malasakit sa kanya.

“John should be thankful sa kanyang benefactor, ang Iglesia ni Cristo (INC) na patuloy siyang kinukupkop at pinapatuloy sa isang condo unit na pag-aari mismo ng INC. Pero kapag sila’y napuno na rin, only God knows kung ano ang puwedeng mangyari sa kanya.

“Hangad namin ang matiwasay na kaisipan ni John at sana’y patuloy pa rin siyang makahanap ng mga taong tutulong sa kanya despite himself,” huling pahayag ni Tita Aster.

Samantala, sa same interview ni Raffy kay John ay detalyado ring ipinaliwanag ni Chuckie ang breakdown kung saan napunta ang donasyon kay John.