• Home
  • Fresh Scoops
  • Ramdam ngayon ni Richard Yap ang hinaharap na krisis sa negosyo dahil sa COVID-19.

Richard Yap, ibinahagi ang hagupit ng COVID-19 sa kaniyang negosyo

Ramdam ngayon ni Richard Yap ang hinaharap na krisis sa negosyo dahil sa COVID-19.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/26/2020 01:31 PM
Richard Yap, ibinahagi ang hagupit ng COVID-19 sa kaniyang negosyo
Photo Credit: @iamrichardyap Instagram

Hindi itinanggi ng aktor at restaurant owner na si Richard Yap ang matinding epekto ng COVID-19 sa kaniyang restaurant businesses.

Isa ang aktor ngayon sa umaaray sa matinding epekto ng kinakaharap na krisis ng mga business owner na unti-unti ngayong bumabangon matapos ang halos anim na buwan na ngayong quarantine na ipinapatupad sa iba’t ibang lugar ng bansa.

 


 

“‘Yung restaurant business, grabe 'yung effect doon. It’s given us a lot of hardship especially to all our employees also kasi karamihan walang trabaho. Siyempre saan mo kukunin 'yung ipambabayad mo ng every day necessities di ba,” tugon ni Richard Yap sa naganap na episode ng I Feel U nitong Linggo.

Ayon pa sa aktor, isa rin na dumagdag na dagok sa kaniya ay ang naging franchise denial ng ABS-CBN.

“Alam naman natin na nawalan din tayo ng mga projects because of what happened to our home network. That also caused a lot of stress not only for us but for everyone who’s been working there. Dagdag hirap talaga,” saad pa niya.

Humaharap man sa pagsubok ngayon, nanatiling positibo ang aktor sa tulong ng kaniyang pamilya para sa kaniyang mga empleyado na umaasa sa kani-kanilang mga trabaho na tulad niya ay nagsusuporta sa kanilang mga mahal sa buhay.

 

 

“It’s brought us a lot of time to think also and brainstorm. While we are on lockdown, we came up with other ideas and new business also for the kids,” proud na kuwento ni Richard.

Humaharap man sa pagsubok, malaki pa rin ang pasasalamat ng aktor sa oras na kaniyang ginugol sa kanyang pamilya ngayong panahon ng lockdown.

“We are all okay. Nandito lang kami sa house. It has given us a lot of time to be together. It’s nice also, a break from our hectic schedules. At least may oras tayo with our family ngayon. Of course it’s very nice na magkakasama kami parati,” sabi pa niya.

Hindi man biro ang dumarating na pagsubok ngayon, umaasa si Richard na magiging maayos rin ang lahat para sa kanyang pamilya.

“Even though it’s hard, even though you’re the one who feels the most pressure, hindi mo pwede ipakita sa kanila. Kasi kung ganyan ka, paano na sila?” pahayag pa niya.