PANOORIN: Lyca Gairanod, bumuhos ang luha sa muling pagbisita sa lumang bahay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Lyca Gairanod, bumuhos ang luha sa muling pagbisita sa lumang bahay

-- Choose an Author --
Published Aug 26, 2020 04:59 PM PHT

Binalikan ni Lyca Gairanod ang kanyang tinitirhang bahay sa Tanza, Cavite bago siya manalo sa reality singing competition na “The Voice Kids.”

Ayon kay Lyca, dumaan na sa maraming bagyo ang nasabing bahay, na nakatayo sa baybayin ng dagat, ngunit nananatili itong matatag.

Bagama’t kita ang mga pagbabago gaya ng mas modernong kagamitan lutuan na dating ulingan at ngayo’y isa nang stove, kitang-kita pa rin na hikahos ang nakatira dito.

“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita niyo naman ‘yung istorya ko. Nag-MMK ako dati. Mula nung nag-The Voice ako, maraming-marami akong paghihirap na naranasan sa buhay ko. So dito na rin talaga ako lumaki,” ani Lyca.

Dagdag pa ni Lyca: “Siyempre hindi ko rin kayang kalimutan ang lugar na ‘to kung saan ako nanggaling. Hindi ko ‘to sinasabi para sabihin sa inyo na ganito ganyan ako. Sinasabi ko ‘to kasi gusto kong malaman ninyo na hanggang ngayon gusto kong bumalik sa buhay ko dati.”

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Lyca nang pasalamatan siya ng lola niya dahil sa tulong na ginawa ng kinse anyos na singer para mapaunlad ang kanilang buhay.

“Si Lyca noon, mahirap. Ako nagpalaki dito. Ngayon, itong apo ko ang nagpaunlad sa amin dito. Sabi ko lang sa inyo, itong bahay na ibinigay niya sa akin, dito ako mamamatay. DIto ako. Hindi ako aalis dito maski sino pa ang magpapaalis,” ani ng lola ni Lyca.

Saad naman ni Lyca: “Kasi kay lola, dito talaga ako lumaki. Siya ‘yung laging kasama ko nung bata pa ako. Siya ‘yung laging nag-aalaga sa akin kasi si Mama nagta-trabaho siyempre para makakain din kami ng maayos.”

Paliwanag ng lola ni Lyca, ayaw niyang tumira sa bagong bahay ni Lyca dahil may aircon ito at mas gusto niya ang mas maaliwas na tanawin sa luma nilang bahay.

“Galing ako ng ospital, dinala nila ako doon ayaw ko,” sabi ng lola ni Lyca.

Panoorin ang kanyang “house tour” sa ibaba:

Matatandaang lumipat si Lyca sa isang bahay sa General Trias, Cavite na naging premyo sa kanyang pagkapanalo sa “The Voice Kids.”

Si Lyca ang kauna-unahang grand winner ng “The Voice Kids” sa Pilipinas na umere sa ABS-CBN noong taong 2014.