• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Mark Escueta na isa siya sa mga inspirado sa ginagawa ng kaniyang misis sa pagpapatuloy nito sa trabaho ngayong panahon ng COVID-19.

Mark Escueta, bilib sa dedikasyon ni Jolina Magdangal sa trabaho

Aminado si Mark Escueta na isa siya sa mga inspirado sa ginagawa ng kaniyang misis sa pagpapatuloy nito sa trabaho ngayong panahon ng COVID-19.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/26/2020 03:08 PM
Mark Escueta, bilib sa dedikasyon ni Jolina Magdangal sa trabaho
Photo Credit: @markescueta Instagram

Kasunod ng pandemya ng COVID-19, todo adjust rin ngayon ang mga personalidad sa pagbuo ng kanilang mga shows para sa kanilang mga fans at isa na dito ang TV host na si Jolina Magdangal.

Sa Instagram, hindi maiwasan ng mister ni Jolina na si Mark Escueta na puriin ito sa dedikasyon sa trabaho nito.

“Parang ang dali-dali mag host ng show pag pinapanood ko si Jolina, pero alam naman natin na hindi talaga ito madali. Kung gaano siya ka-committed sa mga naging shows niya sa TV though the years, ganon din sa aming munting online show. Ganyan nga talaga pag mahal mo ang ginagawa mo,” post ni Mark kalakip ang behind the scene photo ni Jolina.


Isa si Mark sa mga kaagapay ni Jolina sa pag explore ng misis sa digital space na bagong platform ngayon nga mga celebrities.

Pinasalamatan rin ni Mark ang mga tumutok at na-inspire sa mga payo na ibinibigay ni Jolina sa kaniyang show.

“Salamat sa mga nanood kanina at sa mga past episodes. Sa bilis ng panahon, naka 12 episodes na pala kami. Salamat sa mga nag-enjoy at na-inspire sa asawa ko. Pareho lang tayo,” ani Mark.

Nagpahayag rin ng kaniyang suporta si Mark para sa Misis nito na sa kabila ng mga hamon ay nagagawa pa rin nito ang kaniyang passion sa trabaho bilang isang host.

“Proud ako sa ‘yo mahal, gagawin ko lahat para magawa mo pa rin ang mga gusto mong gawin,” pahayag ni Mark.

 

 

Sa ngayon, stay at home sina Jolina at Mark na tutok sa kanilang dalawang anak na sina Pele at Vika.