Kristel Fulgar, marami nang na-achieve dahil sa vlogging

Ibinahagi ni Kristel ang mga bunga ng kanyang pagsusumikap.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/26/2020 09:47 PM
Kristel Fulgar, marami nang na-achieve dahil sa vlogging
Photo Credit: @kristelfulgar Instagram

Malayo na nga ang narating ni Kristel Fulgar simula nang sumali siya sa “Munting Miss U” ng Magandang Tanghali Bayan (MTB) noon. 

Ngunit para kay Kristel na umabot hanggang grand finals sa kompetisyon, simple lang ang hangad niya noong mga panahong iyon: ang makabili ng isang gaming console. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

check out my latest vlog 💋 (link in bio)

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar) on

 

“Sweldo, hindi ko maalala. Pero nu’ng sumali ako du’n sa “Munting Miss U,” ‘yung napanalunan ko du’n, alam ko binili ko ng GameBoy kasi gustong-gusto ko talaga nu’n ng GameBoy,” kuwento ni Kristel sa Star Beginnings segment ng Star Magic. 

Binalikan ni Kristel ang mga pinagdaanan niya noon sa buhay. Pero para sa dating Goin’ Bulilit star at ngayo’y isang ganap na YouTube vlogger, hindi niya tinuturing na sakripisyo ang mga ito lalo pa’t pakiramdam niya ay naglalaro lang siya noong mga panahong iyon. 

WATCH: Kristel Fulgar and Yohan Kim sing ‘Crash Landing On You’ OST

“Hindi ko siya tinitingnan na parang may sakripisyo. Nag-seshare na din ako sa family ko ng mga sinesweldo ko. Though hindi din naman din kalakihan ‘yun. Pero natutuwa ako ‘pag kunwari kakakin kami, sasabihin ko ay treat ko na ‘to. Ganu’n,” saad ni Kristel. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Can I be a sunflower? 🌻

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar) on

 

Hindi naman maiwasan ni Kristel na matuwa sa sinasabi ng mga tao sa kanya dahil sa pagsusumikap niya na maiangat ang sarili niya. 

“May nagsasabi saken ang sipag ko daw ako nag-eedit ng vlogs ko ganyan. Winowork-out ko para umangat sarili ko. Nag-cocover ako. Gumagawa ako ng paraan para maangat ‘yung sarili ko,” sabi ni Kristel. 

“Hindi ko makukuha ‘yung mga ‘yun without the help of God. Talagang blessing lahat ng binigay niya sakin. Tinitingnan ko ‘yun as blessing,” dagdag pa niya. 

READ: TRENDING: Kristel Fulgar and Benedict Cua reunite in cute TikTok video

At dahil ini-enjoy daw ni Kristel ang mga ginagawa niya, hindi niya nararamdaman ang pagod sa lahat ng ginagawa niya dahil ini-enjoy niya lang ang paggawa ng mga ito. 

“May motto ako sa sarili ko na hindi mo makikita ang isang bagay na mahirap kung ini-enjoy mo. Masaya kang ginagawa ‘yun. So kahit sabihin na natin mukhang nakakapagod, pero dahil masaya ka, nag-eenjoy kang ginagawa, hindi siya nakakapagod,” ani Kristel. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Are you lost baby boy? 💋. . CHAROT PUHAHAHA 🤪

A post shared by Kristel Fulgar (@kristelfulgar) on

 

Bilang isang vlogger, nakapagkamit na si Kristel ng dalawang Gold Play buttons. Higit pa rito, nagbigay daan din ito upang makuha siya ng mga roles sa telebisyon. 

“Masarap umangat, masaya parang every time na kunwari tumataas ang subscribers ko, gumaganda ‘yung roles na binibigay saken. Masasabi ko na hangga’t may nakaka-appreciate ng ginagawa ko, masaya ako at nag-eenjoy ako,” ani Kristel. 

READ: ‘Never thought I would get this far’: Kristel Fulgar receives two Gold Play buttons from YouTube

Masaya naman si Kristel na hindi niya kinailangang itigil ang kanyang pag-aaral para makamit ang mga bagay na mayroon siya ngayon. 

“Sobrang masaya ako na natapos ko ‘yung pag-aaral ko na hindi nag-sstop. Napagsabay ko ‘yung pag-aartista ko nu’ng time na ‘yun at ‘yung pag-aaral na masasabi kong proud ako kasi hindi siya madaling gawin,” sabi ni Kristel. 

 

 

Itinuturing naman na achievement ni Kristel na nakapagpundar siya ng bahay at nakabili ng mga sasakyan dahil sa kanyang pagsusumikap. 

“Sabi ko sobrang achievement din ‘yung nakarating ako sa mga dream places ko, dream countries. Achievement din na hanggang ngayon artista pa rin ako. Nagawa ko na din ‘yung pagpapagawa ng bagong house. Bumili ako ng mga kotse. Hindi ako sobrang mataas mangarap. ‘Pag mangarap ako, gusto ko ‘yung realistic,” pagbabahagi niya. 

May 1.1 million subscribers ang bente singko anyos na artista sa kanyang YouTube channel na Kristel Fulgar kung saan gumagawa siya ng song covers at 1.7 million followers naman sa kanyang KrisTell Vlogs YouTube channel kung saan gumagawa siya ng iba’t-ibang klase ng vlogs.